Forgiveness

1.9K 89 14
                                    


Kasalukuyang nasa condo niya ngayon si Rhian kasama sina Chynna at Sally. Hindi mapakali si Rhian at walang tigil ang pagluha ng kanyang mga mata samantalang ang mga kaibigam naman niya ay nananatili lang sa tabi ni Rhian.

Mga ilang oras na ang nakalipas at hindi pa rin nagpaparamdam sa kanila si Glaiza ng biglang tumunog ang cellphone ni Rhian.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pangalan ng tumatawag sa kanya.

Honey calling,

Rhian: Hello love!!!

Hello pasensya na po ah gusto ko lang po ipaalam na kelangan niyo pong pumunta ng ospital ngayon. - sagot ng kausap ni Rhian

Rhian: Who are you? Bakit na sayo ang cellphone ng girlfriend ko? At bakit ko kelangan pumunta ng ospital?

Nagtatakang tanong ni Rhian sa kausap niya.

"Uhmmm na aksidente po kasi yung may ari ng cellphone nato dahil nabangga po yung sasakyan niya."

Nabigla si Rhian sa sinabi ng kausap niya at bumagsak lalo ang mga luha sa mata niya. Sobrang bigat ng nararamdaman niya ngayon.

Napansin naman ito nina Chynna at Sally.

Sally: Bestie what happen to Glaiza?

Chynna: Rhi sino ba yung kausap mo? Anong nangyari kay tsong?

Sunud sunod na tanong ng dalawa.

"Si Glaaaaiiizzza naaksidente siya kelangan nating pumunta ng ospital" hagulgol na sabi ni Rhian sa mga kaibigan

Dahil sa narinig ng dalawang kaibigan hindi na rin nila napigilang umiyak at nagyakapan silang tatlo.

Agad agad na nagtungo sila sa ospital kung san dinala si Glaiza. At si Rhian ang nagpumilit na magmaneho dahil gustung gusto niya nang makita si Glaiza
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Time runs

Nakarating na sila sa ospital kung saan dinala si Glaiza.

Nurse Station

Rhian: Excuse me sang room po dinala si Glaiza Guevarra? tanong niya sa nurse

Nurse: Ah mam nasa emergency room po siya ngayon.

Rhian: Sige ho salamat...sagot ni Rhian habang tumutulo na ang kanyang mga luha.

Nasa labas na ng emergency room sina Sally, Chynna at Rhian.

Tahimik sila ngayon at pinagdadasal ang kalagayan ni Glaiza lalo na si Rhian.

Rhian's POV

"Lord please help Glaiza don't let anything bad happen to her. I love her so much and hindi ko kakayanin pag nawala siya saken"

Inaabot din ng dalawang oras ang operasyon ni Glaiza.

Rhian: Doc kamusta na po si Glaiza?

Doctor: The patient is already fine. She just needed more time to rest and heal her wounds.

Nakahinga ng maluwag ang magkakaibigan lalo na si Rhian. Maya-maya pa ay inilabas na si Glaiza sa emergency room para ilipat sa recovery room para tuluyan siyang makapagpahinga.

Agad na nilapitan siya ni Rhian na umiiyak at hinawakan nito ang kamay ng kasintahan at hinalikan niya ito sa noo.

Kasalukuyan ng nasa kanyang kuwarto na si Glaiza at nagpaiwan si Rhian. Nais niya kasing siya ang unang masilayan nito kapag naggising ang kasintahan.

Habang sila Sally at Chynna naman ay umuwi muna sa kanilang mga bahay para makapagpahinga.

Nakatitig lang si Rhian sa mukha ng kasintahan at tuloy pa rin ang pag agos ng luha nito sa kanyang mga mata.

Rhian:

"Hon I'm really sorry kung nasaktan kita. I'm really really sorry. Alam mong mahal na mahal kita at hindi ko kayang saktan ka."
- habang kinakausap niya ang kasintahan.

Inaabutan na ng gabi si Rhian kakaiyak at kakahintay sa paggising ni Glaiza. At sa sobrang pagod ay nakatulog na rin ito sa tabi ni Glaiza.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Kinabukasan

Namulat ang mga mata ni Glaiza at nagtaka kung saang lugar siya ngayon. Ngunit napagtanto niya rin at naalala lahat ng nangyari sa kanya. Ang pagkakabangga niya at ang paghalik ni Jayson sa kanyang kasintahan.

Agad niyang napansin ang babaeng nasa tabi niya ngayon na natutulog at nakaharap ang mukha nito sa kanya.

Kita niyang ang mga mata nitong namumugto sa iyak at hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ang mukha nito.

Kahit masama pa rin ang loob niya sa kasintahan ay mas nananaig ang pagmamahal nito sa kanya.

Maya maya pa ay naramdaman ni Rhian na may humaplos sa kanyang mukha at agad siyang napatingin kay Glaiza na nakatitig din sa kanya.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.




Ano kayang mangyayari sa susunod na chapter?

Mapapatawad ba ni Glaiza si Rhian o tuluyan ng maghihiwalay ang mga puso nila?

Pasensya na sa late update pero thanks for patiently waiting guys.













Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now