Special Day

1.7K 85 5
                                    

Ngayon ang espesyal na araw ng magkasintahang sina Rhian at Glaiza subalit parehas naman silang naging abala sa kani kanilang mga karera.

Nasa mall show ngayon sina Glaiza kasama ang banda nito. Hindi rin mawala sa isip niya na anniversary nila ng kasintahang si Rhian.

As usual naging successful ang mall show nila at dinumog sila ng kanilang mga fans. Nauna nang umalis si Glaiza at nagpaalam sa mga kaibigan.
Alam nila na nagmamadali si Glaiza dahil may dinner date sila ni Rhian.

"Mga tsong mauna na ko sa inyo ah. Kelangan ko pa kasi magprepare para sa date namin ng Love ko." Paalam ni Glaiza sa mga kaibigan

"Sige tsong goodluck and mag enjoy kayo. Happy Anniversary sa inyo ni Rhian" sagot naman ni Chynna

Sumakay na si Glaiza sa kanyang kotse at dumiretso na siya sa kanyang condo. Nang makarating siya sa condo niya ay agad niyang tinext ang kasintahan

"Love don't forget our dinner later ok I love you" text ni Glaiza

Mejo natagalan bago nakapagreply si Rhian dahil sa busy ito sa practice.

"I'm sorry Hon late reply ko pero I will be there sa dinner promise. I love you too!" Reply naman ni Rhian

Abala ngayon si Glaiza sa rooftop para sa dinner nila ni Rhian. Lumipas ang mga oras at naayos na ni Glaiza ang lahat. Nagsimula na rin siya magbihis ng damit at inayos ang sarili.

7pm

8pm

9pm

10pm

Sa mga nakalipas na oras ay nakailang text si Glaiza at sinubukan pa nitong tawagan si Rhian pero hindi niya ito ma contact.

Clark Pampanga

Nasa Subic pa rin si Rhian at nakaligtaan nito ang dinner nila ni Glaiza. Nang matapos ang practice nila ay agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone at meron itong 20txt messages at almost 20 din na missed calls na galing kay Glaiza.

Rhian's POV

Oh shit patay ako may dinner pala kami ni Glaiza nawala sa isip ko.

Nakasakay na ngayon si Rhian sa kotse niya at pinaandar niya ito ng mabilis na kulang na lang ay paliparin niya ito.

At dahil sa racer nga ito ay mabilis siyang nakarating sa condo ni Glaiza at agad nagtungo sa rooftop dahil dito sila magdidinner ni Glaiza.

Ngunit pagtingin niya ay may nakaset up pa ng dinner pero hindi naman niya nakita si Glaiza.

Nang hindi niya nakita si Glaiza ay nagtungo ito sa kuwarto ni Glaiza.

Marahan niyang binuksan ang pinto at hinanap si Glaiza. Nilibot niya ang buong kuwarto at nakita niya si Glaiza na nakaupo sa may balkonahe na may hawak na bote at mukhang umiinom ito.

Kinakabahan siya ngayon at halos di niya maihakbang ang mga paa niya papalapit kay Glaiza.

Rhian's POV

Kaya mo yan Rhi huwag kang kabahan kundi matakot ka kasi beastmode ang Honey mo.

Unti unti siyang lumapit kay Glaiza at hinalikan niya ito sa pisngi.

Ngunit walang naging reaksyon si Glaiza at akmang tatayo na sana ito ng hawakan at pigilan siya ni Rhian.




"Ano kaya ang mangyayari sa tagpong ito.abangan sa susunod na kabanata"

Sorry sa late upload ilang araw ko ding pinag isipan kung anong isusunod ka sa last chapter ng story ko.

Thank you for patiently waiting guys..

Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now