Secret Fan

2.6K 119 1
                                    

Gumising ng maaga si Rhian para magtungo sa Clark para magpractice.

Nakasuot lamang ito ng short shorts at white loose shirt sabay na naka ponytail ang buhok. Simpleng simple pero napakaganda pa rin.

Makalipas ang isang oras ay nasa Clark na si Rhian at nagpapractice suot ang kanyang pang race na suit na nahahapit sa kanyang katawan kaya kita ang hubog ng kanyang katawan.

Samantalang si Glaiza naman ay naligo na din napagpasyahang magroad trip gamit ang kanyang Ducati black na motorcycle.

Nakasuot ito ng rugged jeans at loose white shirt na may leather jacket na black at dr marthens n boots. Naka lipstick na terno ng kanyang suot at siyempre suot din ang kanyang shades.

Nagsimula na siyang magroadtrip wala siyang specific na lugar kung saan siya pupunta. Basta gusto niya lang lumanghap ng sariwang hangin at mag enjoy habang wala siyang trabaho.

Hanggang hindi niya namalayan na nasa Pampanga na pala siya at napahinto sa isang race track. Dahil bigla niyang naisip ang dream girl niyang si Rhian.

May napansin siyang isang sasakyan na mabilis ang takbo sa race track na halata mong nag papractice ito dahil may mga nanonood at mukhang inoorasan pa ang pagtakbo ng sasakyan.

Nawili siya ng kapapanood ng biglang huminto ang sasakyan sa finish line at bumukas ang pintuan nito. Naka head gear ito at naka race suit. Matangkad ito at tinanggal ang head gear nito. Mukhang pawis na pawis ito pero napakaganda pa rin sabay nginitian niya ang kanyang mga kasama.

Hindi niya masyado makita ang mukha ng biglang may sumigaw na mga fan.

"Rhian" sabi ng isang fan

"Rhian pa picture naman" sigaw ng isa pang fan

Nabigla si Glaiza na ang dream girl pala niya ang kanyang pinanonood kaya pala napakagaling nito habang nagpapractice.

Dinumog na si Rhian ng kanyang mga fans. Pero kahit pawisan ito ay masaya siyang nakikipag usap sa kanyang mga fans.

Lalong napahanga si Glaiza sa gesture ni Rhian. Nakamasid si Glaiza mula sa malayo.

Inaabot na siya ng hapon kakamasid kay Rhian. At ngayon ay nakaramdam siya ng gutom. Kaya naisip niyang bumalik na ng Manila.

Dumaan muna siya sa RK para kumain. Sakto namang nandun din ang mga kaibigan niyang sila Chynna, Abby at Wila.

"Oh tsong san ka nanggaling? Mukhang nagroad trip ka na naman ah. Hindi mo man lang kami niyaya." sabi ni Chynna kay Glaiza

"Oo tsong nagroad trip nga ako sa Pampanga. At ang saya saya ko dahil nakita ko si dream girl sa Clark". sabi naman ni Glaiza na di mapigil ang ngiti sa sobrang saya nito.

"Kaya pala halos mapunit na yang pisngi mo sa kaka ngiti". sabi ni Wila sa kaibigan.

At napuno ng tawanan at kuwentuhan ang pag-uusap ng magkakaibigan.

Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now