KABANATA 6

38 1 0
                                    

-Kahit ang sarili ko-



(Matthew's POV)


Tahimik lang kami buong biyahe. Napapalingon ako sa magandang katabi ko habang siya abalang nakatingin sa cellphone niya.


Iniisip kona kung pano ko siya babantayan mamaya. I'm serious ok?


Hindi lang naman ang mga kaibigan ni Mama ang inimbita niya sa Party. Shempre kasama ang mga anak ng mga kaibigan niya.

Tsss... Karamihan pa naman lalake. Nakakainit ng ulo.


"Wag kang umalis sa tabi ko ha." sabi ko sa kanya na agad namang napalingon siya.


"Hindi talaga ako aalis Kuya dahil wala akong kilala don bukod sa inyo." natatawang sagot niya.


"Malay natin may mga lumapit sayo diba... Imposibleng wala. Kaya sakin ka lang dumikit." possessive na kung possessive. She's my sister ok? It's normal...


"Opo." nakangiting sagot niya.


Mabilis naman ang biyahe. Sa makati lang kami natagalan. Ugh! It's Makati!


Nasa tapat na kami ng Restaurant kakarating lang din ng sasakyan nila Mama. Kaya pagkapark ko sabay sabay kaming lumabas.


"Ang laki din pala no? Ang ganda pa!" sabi ni Stef na namamangha sa nakikita niya.


"Yup!" maligayang sagot ko naman.


"Guys Let's go." Tawag ni mama kaya sabay sabay na kaming pumasok at agad namang umingay dahil sa mga kaibigan ni mama.


"Rosaline! Mas lalo kang bumata!" lumapit naman si Mrs. Edellton sa kanya.


"Ang lalaki na ng mga anak mo! Ang ga gwapo pa ha! mana sa Daddy." sabi nung ni Mrs. Natividad na kayakap niya ngayon.

Diko na kilala ang ibang kaibigan ni mama.


"Nagsimula na pala ang Party." bulong ko kay Kuya Vincent.


"Oo. tinawagan na sila ni Mama. Para daw hindi sila ma bored kakaantay." sabi pa niya.


"Doon lang ako hahanap ng Chiks." sabi pa ni Kuya.


"Wala kang pinagbago! Dun kana!" pinagtabuyan ko siya at agad ko namang naalala na kasama ko pala si Stef.


"Andun na si Stefann..." sabi niya sakin. Nasa tabi ko lang pala siya.


"Tara dun tayo." yaya ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay kaya nagulat siya pero hinayaan niya na ako.


"Pare! Long time no see!" nakasalubong namin si Deather. Anak ni Mrs. Natividad.


Nagkakumustahan pa kami ng mapansin niya na may kasama pala ako.

My Knight (de la Vega Brother's)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant