KABANATA 10

26 0 0
                                    

-Bibigyan ko ng buhay-



(Matthew's POV)


Out of coverage.


"Bat di niya sinasagot???!" Kanina ko pa siya tinatawagan! Mag gagabi nalang dipa rin siya umuuwi.

Dito nako nag hintay sa Condo niya.


Nagluto muna ako ng hapunan namin at maya maya lang.


"Anong niluluto mo Kuya?" napalingon ako sa kanya.


"Tsss." sabay talikod. Ganito talaga ang mga Gwapo. Hahaha


"Anyare sayo?" nagtatanong pa ha?!


"Kanina pa kita tinatawagan. Bat ngayon ka lang umuwi?" sabi ko habang hinahalo ang adobo.


"Kasi.. madaming applicants eh. Tapos ngayong araw din ang interview." sus.


"K." may karapatan din akong mag K.


Akala ko pumasok na siya sa kwarto dahil di siya umimik. Lilingon na sana ako ng niyakap niya ako mula sa likod.


"Sorry na Kuya.... Alam mo.." malambing na sabi niya. Hay nako diko talaga matiis.

"Tanggap nako! Magsisimula na agad ako bukas!" Bukas? agad agad???! Napalingon ako sa kanya at tinitigan siya at nag eexpect na magsasabi ng JOKE!


"Seryoso ako Kuya. Bukas na start ko!" excited niyang sabi habang pumapalakpak.


"Talaga?! Kala ko nagbibiro ka ehh.. Congrats Baby!" natuwa din ako shempre pero may part sa sarili ko ang nalulungkot dahil magiging busy na din siya.


"Thank you... May dala pala akong Cake." kinuha niya sa sala ang Red ribbon cake na dala niya.


"Ang laki ahh?" takaw talaga nito.


"Hahaha shempre! luto na ba yan? Mapapadami ang kain ko nito." favorite niya ang Adobo kaya malamang lolobo talaga tiyan niya mamaya. Hahahaha


"Kain na tayo.." yaya ko sa kanya.


Nanood lang kami at pagtapos ay nahiga sa kwarto niya pagtapos naming kumain.


Tulog na siya at ako naman mag iisang oras ng nakatitig sa kanya.

Napapadalas ata ang pagtitig ko ah?

Na para bang mini memorize ko ang mukha niya.


Simula bukas pareho na kaming magiging abala. Pag uwi ko paniguradong tulog na siya. Tapos ako ang unang papasok kaya hindi rin kami magkakasama.


Mamimiss ko kakulitan nito. Maka miss naman ako e magkatabi nga lang kami ng Condo.


My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now