KABANATA 28

32 1 0
                                    

-Blurred Picture-



(Matthew's POV)

Umaga na.

Hindi parin ako makatulog.

Ano ba tong nangyari samin?

Mali ba yung ginawa ko?

Nung nakita kong naghalikan sila Justin, gusto kong sumugod doon.

Anong sasabihin ko? Eh ako nga nakipag halikan kay Casey eh.

Inisip kong si Stef yon... Siya ang iniisip ko nung hinalikan ko si Casey.

Lalo atang lumala ang sitwasyon namin.

Hindi na ako makapag isip.

Galit ako sa kanya.

Galit na galit.

Kaya nung nakita niya kami ni Regine na magkasama sa Room ko noong Pasko, hinayaan ko na siya kung anong isipin niya.

Walang nangyari samin.

Nagkasundo lang kami ni Regine.

*FLASHBACK*

May nag doorbell sa pinto at nagmamadali naman akong buksan ito sa pag aakalang si Stef iyon.

"Hi Matt!" si Regine.

Bakit ko nga ba siya hinihintay? Siya yung may kasalanan sakin diba?

"Bat andito ka?" tanong ko sa kanya at pumasok naman siya sa loob.

"Kay Kuya pala nagtatrabaho si Stef." bumilis ang tibok ng puso ko dahil naalala ko nanaman yung nakita ko.

Kilala ko si Brandon.

Nung hindi pa dumating si Stef ay nagtanong ako kung saan siya nagtatrabaho. Pumunta ako doon at eksaktong pagdating ko nakita kong naghalikan sila.

Sobrang sama ng loob ko. Masakit sakin na akala ko..... Akala ko mahal niya rin ako.

"I know." sabi ko sa kanya at umupo sa sofa.

"Hindi ko na kayo nakikitang magkasama ah?" tanong naman ni Regine.

Hindi ako sumagot.

"Ohhh... Nag away kayo?" natatawang sabi niya.

"It's none of your business."

"Sungit!"

"Dito ako matutulog."

"What??! Hindi pwede."

"Ganun? Kay Stef nalang. Tapos papupuntahin ko si Kuya...." sabi ni Regine nang nakangiting aso.

"Shut up Regine."

"Ayaw mo? Edi dito nalang ako." hindi na ako tumutol. Ayoko. Ayokong pumunta doon si Brandon.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag shower. Pasko ngayon. Ano kayang ginagawa niya? Andyan kaya siya?

Naka bathrobe pa ako nang bigla kong maalala na may binibake nga pala ako sa Oven.

Shit! Baka sunog na yun!

Kaya lumabas ako at nakasalubong ko si Regine na naka bathrobe din.

"Inalis ko na sa Oven. Buti di pa sunog." sabi niya at napansin kong may hawak siyang Strawberry.

"Bat mo pinakialaman yan?! Kay....." Kay Stef yan....

My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now