KABANATA 25

38 1 0
                                    

-You treat me like a stranger and that feels so rough.-



(Stef's POV)


Nasa tapat na kami ng 143 Tower. Hinatid ako ni Brandon. 6am palang.


"Uhm. May gagawin ka ba mamaya???" tanong naman niya.


"Wala nga ehh."


"Yayain sana kita. Boring kasi." sabi niya.


"Sige." ngumiti ako sa kanya. Maganda narin yung nakakaalis ako. Kesa magmukmok sa condo. Maiisip ko lang siya.


"Susunduin kita. Tatawagan nalang kita mamaya." tumango ako at nagpaalam na.


Pagkapasok ko ay pinagtitinginan naman ako. Malamang dahil sa suot ko!


Yun parin ang suot ko. Dito nalang ako maliligo at magpapalit.


Nagmamadali akong pumasok sa Room. Baka makasalubong ko kasi siya. Ayoko muna siyang makita.


Nagbabad muna ako sa bath tub.


Naalala ko tuloy....


"Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Shit! Wag ka ngang matutulog habang nakababad sa tub! Pano kung dimo namalayan malunod ka dyan dahil tulog ka?! Tapos hinayaan lang kita kasi iisipin ko naliligo ka lang? 10 minutes akong katok ng katok! Nag aalangan akong pumasok dahil nga na-naligo ka! Di kaba nag iisip?!"


Kung matulog kaya ulit ako dito sa bath tub? Dadating kaya siya???


Magaalala ba siya ng sobra sakin?


Bakit ko pa ba tinatanong ang sarili ko???


Obvious namang wala siyang pakialam sakin.


"Hindi ko alam na ganun ka kacheap para makipag halikan sa kung sino sino lang. Sabagay. Nabigay mo nga ang Virginity mo sa lalaking iniwan ka lang eh."


Napaiyak na naman ako. Pinagkatiwalaan ko siya. Sinabi ko ang nangyari sakin.


Ang sakit niyang magsalita!


Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makapag paliwanag!


Maliligo ako ehh... Bakit umiiyak na naman ako.


Nang nagsawa na ako kakaiyak ay lumabas na ako ng banyo.


Nagsuot ako ng Sando at wala. Naka underwear lang ako. Trip ko lang.


Gusto ko ng Pizza....

Nagpadeliver ako. Nagpatugtog ako at sumasayaw sayaw pa. Pang patanggal ng stress.. Hahahaha

My Knight (de la Vega Brother's)On viuen les histories. Descobreix ara