KABANATA 29

50 2 0
                                    

-When you asked me if I love him I lied-



(Stef's POV)


Andito ako sa Condo ni Jana. Tuwang tuwa siya nung sinabi kong dito muna ako titira.

Umalis nako.

Binalik ko na lahat kay Matthew. Kung anong mga gamit na dala ko nung nagkakilala kami, yun lang ang dinala ko.


Naalala ko yung paguusap namin ni Steffan...


*FLASHBACK*


"Steffan? pwede ba tayong magkita?" tanong ko sa kabilang linya.


"Sure! San ba?"


"Sa restaurant niyo nalang..."

Sa Makati yun. Pagkatapos kong makipag kita sa kanya, didiretso na ako sa Condo ni Jana. Sa Makati rin kasi siya eh.


Binaba ko na ang tawag.

Nagsimula na akong mag ayos ng gamit. Yung akin lang ang dadalhin ko. Iiwanan ko lahat ng binigay niya sakin.


Nakakalungkot na ganito ang nangyari samin. Expect the unexpected.


Nang matapos akong makapag ayos ay bigla akong inantok. Kaya natulog muna ako.


Nagising ako dahil sa ring ng cellphone. 8am na pala.

"Steffan?"


"Malapit na ako." napabangon ako sa sinabi niya.


"Ahh ganun ba! Sige mag aayos na ako." pagkasabi ko ay agad kong binaba ang tawag at nagmadaling mag ayos.

Bago ako makalabas sinilip ko muna kung wala ba si Matthew sa labas, shempre ayokong makita niya ako.

Wala naman siya kaya lumabas na ako at nagmadaling pumuntang elevator.


Nang makarating na ako sa Restaurant nakita ko si Steffan na kakaupo lang.


Ang bigat naman nitong maletang to! Ugh!

Nang makalapit na ako sa kanya ay napatulala naman siya sa maletang dala ko.


"Ano yan?" tanong niya.


"Wallet Kambal." natawa siya sa sagot ko.


"Aalis na ako." pagkasabi ko ay umupo na ako sa tapat niya.


"Aalis? Where are you going?" napaayos siya ng upo at salubong ang kilay niya.


"Sa kaibigan ko. Aalis na ako ng Condo." pagkasabi ko ay nilapag ko sa mesa ang cellphone at susi.


"Iniwan ko lang yung mga gamit dun. Wala akong dinala...na galing sa kanya. Pakibigay nalang yan." kita kong naguguluhan siya.

My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now