Chapter 60

712K 8K 2.1K
                                    

Mia's Message: Pasensiya na kung matagal ang away nina KJ at OA. Hindi kasi sila PBB Teens. Hahaha. Grabe kayo. Gusto niyo pagnag-away bati agad? Hindi ba pwedeng iparealize muna sa kanila ang mistakes nila para matuto sila? Sa totoong buhay ba ganoon ang lovers? Pagnagbreak magbabalikan ulit agad-agad? Hahaha.

Again, 'wag kayong magsasabi sa akin na nagpapabati kayo kasi nakakalimutan ko. Pakibasa ng author's note ko sa Chapter 57. Doon niyo i-tweet or iPM ang mga pabati niyo. 'Wag sa akin. May mga sexytaries kasi ako na gumagawa noon. Pero 'wag niyo rin silang aawayin. Nabalitaan ko may isang batang minura ang sexytary ko. 'Wag gano'n. Maging mabait naman tayo. Ayon lang.

O, 'eto na ang pinangako ko. Hahaha. Happy reading! :D

--

 Copyright © ScribblerMia, 2012

“Astrid, may bisita ka,” sigaw ni Mama mula sa baba.

Awtomatiko naman akong napabangon at muntik ko nang naihagis ang cellphone ko dala nang matinding gulat.

Bisita?

Bisita ba kamo?

Alas-otso ng gabi?

Sinech?

Hindi kaya si…

Dali-dali akong nagsuklay at nagbihis ng maayos na t-shirt. Okay na naman siguro kahit naka-pajamas lang ako.

Pagbukas ko ng pinto ay muntik pa akong madapa nang tumama sa hamba ng pinto ang paa ko. Napamura na lang ako nang dahil sa katangahan ko. Buset.

Nang makarating ako sa dulo ng hagdan ay dahan-dahan naman akong naglakad para hindi halatang excited.

Kinakabahan ako. Wahehe.

Sino kaya ang dadalaw sa akin? Nakakapagtaka na nakakaexcite.

Pagdating ko sa living room ay naabutan kong tahimik na nakaupo ang bisita.

Nang makita niya ako ay bigla siyang tumayo at ngumiti.

“Astrid,” bati niya.

Saglit akong natigilan bago ko siya nagawang nginitan. “Harold. Kumusta?”

--

Sabay kaming naupo ni Harold sa tapat ng gate namin. Ewan ko ba. Mas masarap mag-usap at tumambay sa labas ng bahay keysa sa loob. Mas masarap ang naka-Indian seat habang kumakain ng mangga with bagoong. The best.

Hindi ko lang talaga inaasahan ang biglaang pagdalaw ni Harold. Hanggang ngayon, hindi ako makaget-over.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon