Chapter 21 (Part 1)

870K 10.4K 970
                                    

 

 Copyright © ScribblerMia, 2012

 

Dahil nga classmate ko si yabang sa ilang subjects, naging attentive tuloy ako sa klase. Hindi ko siya pinapansin, kunwari wala raw akong katabi. Kunwari statue siya, kunwari invisible. 

“Oy.” Tawag niya.

I ignored him and pretended to listen to what the teacher was saying. 

“Oy.”

Hindi pa rin ako sumasagot. 

“Oy!” Sinundot nito ang tagiliran ko.

“Ano ba! 'Wag ka ngang makulit! Peste!” I gave him a sideway glance.

“Sungit,” he commented. 

Ano na naman ba’ng problema nitong hunghang na ito? Kagabi, sinungitan ako. Tapos ngayon kukulitin ako kahit may klase? Pambihira rin siya.

“Okay, you may go now,” our Professor announced.

Dali-dali akong tumayo at inayos ang mga gamit ko sa desk.

“OA, susunduin kita mamaya sa last class mo. I can’t accompany you to your next class. I have to run some errands,” KJ said while fixing his hair.

Oh well, gwapo pa rin naman siya kahit gulo-gulo ang buhok niya. Wait, what did I just say? 

“Errands daw. Mambubugbog lang kayo, eh.” I murmured. 

“Ano? What did you say?” Lumapit pa siya sa akin. His forehead creased.

Umismid ako. “Wala. Sabi ko, hihintayin na lang kita. Sige na. Babush!” Dali-dali na akong lumabas ng classroom at tinext ang mga kaibigan ko.

--

“Hey, guys! I have hot and sizzling news,” Kaye announced happily.

Nasa 7-Eleven kami ngayon, katabi ng cafeteria. Dito naming naisipan magmerienda. 

“Aner?” Philip asked eagerly.

“Excited? Try mo lang ma-excite ng bongga,” pambabara ni Cess. 

“Wag kang kufal. Sabunutan kita diyan eh,” Philip said.

“Tse! Tumahimik na kayo. Ako ang bida ditey. 'Wag kayong mang-agaw ng eksena.”  Nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Kaye.

“Sige, Kaye. Fire away,” I said. Baka lalong tumagal pa ang chika gawa ng Philip at Cess na ito, eh.

“Bago na ang President ng Cryptic Warriors,” Kaye said dreamily.

“So?” Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

“At 'eto ha, iyong hot guy sa CAS. Iyong Biology? Siya ang pumalit kay Zach,” she said while giggling.

“Teka, siya iyong heartthrob ng CAS 'di ba? Hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon,” singit ni Cess.

“Chenes! Pati si watashi. Sinech itech?” Maarteng pahayag ni Philip.

 “Hindi ko nga alam ang name. Hindi nasabi no'ng reliable source ko.” Nakasimangot na sabi ni Kaye.

“Sino ba kasi ang reliable source mo na iyan? Baka imbento mo lang. Tapos ikaw rin pala ang source na sinasabi mo kasi you are stalking them," I said in a bored manner.

“Dapek! No! I am not a stalker. Inchendes? Talaga lang magaling akong sumagap ng chismis. Anuber? I idolize Gossip Girl. Kaya sa tropa natin, ako si Gossip Girl,” Kaye said proudly.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon