Chapter 30 (Part 2)

851K 10.2K 1.1K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

 


Weeeeeeeeee. Excited na ako. Saan kaya kami pupunta?

Sa posh restaurant ba?

Sa Ocean Park?

Sa Greenbelt?

Sa Manila Bay?

Sa Sampaloc Lake?

Hehehe. Paano napasama ang Sampaloc Lake? Nah. Imposible.

Hindi naman siguro cheap or kuripot si KJ ano? 'Di ba? 'Di ba? 'Di--

What the heavens!

Huminto ang sasakyan namin sa parking lot ng...Sampaloc Lake.

Sampaloc Lake?

[Mia's Message: Ayan ang Sampaloc Lake ----> For more pictures and info about the place (para maimagine niyo ng bongga), pakigoogle na lang. XD]

Seryoso? Ditey na?

Akala ko pa naman bonggang place ang pupuntahan namin eh. Bakit dito?

Don't get me wrong. Hindi naman ako mapangmata na tao or materialistic, it's just that, I've never been here, and I have heard some awful stories about this place.

Maraming PDA lovers daw dito. Tapos may mga snatchers and holdapers din daw. Tapos may mga batang mandurukot at nangungulit para manghingi ng pera or food at kung anu-ano pang chismis na pinagkakaabalahan ng mga bakla sa parlor, ng mga tambay sa kanto, ng mga tindera sa palengke, at mga naglalaba sa batis.

"Let's go." Nauna nang bumaba si KJ sa kotse.

Nakacasual attire lang siya. Maong shorts and loose purple shirt, at naka-brown na Sanuk shoes. Syempre, dahil saktong alas-dose ng tanghali ay nakashades siya. Gwapo in short. 

Did I just give him a compliment? Yikes.

As for me, nakablue dress ako at doll shoes na brown, katerno ng brown belt ko at bag.

I know what you're thinking. You saw what I did here. Malay ko ba kasing dito kami pupunta 'di ba?!

E 'di sana nagshorts na lang ako at nagT-shirt 'di ba? Naghigh-cut or tennis shoes na lang sana ako.

Hay. Huhu. Hindi bagay ang outfit ko sa ganitong lugar.

Kaya naman pala no'ng paglabas ko sa pinto, medyo nagtataka ang tingin ni KJ habang nakatingin sa damit ko. Akala ko nagandahan siya sa akin, nastarstruck ba. Hehehe. Iyon naman pala, nawirduhan sa suot ko. What a shame. Oh life, Y U SO CRUEL?

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon