Chapter 61

686K 8K 1.7K
                                    

Mia’s Message: Thank you for the love and support. Thank you for always being there for me. Thank you for cheering me up. Thank you, guys. I have experienced a lot of bad stuff (pressures, stress, some demanding readers, some annoying readers, etc.) here on Wattpad. But, you know what’s the best thing about Wattpad? Kayo. Kayo na handang sumuporta at umintindi no matter what. Salamat.

--

Copyright © ScribblerMia, 2012

“Pusang gala!” Napaigtad ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.

Dali-dali ko ring tinakpan ang bibig ko.

Sinulyapan ko ang dalawang taong nag-uusap.

Napahugot ako ng malalim na hininga nang sa awa ng Diyos ay hindi nila ako narinig.

Mabilis kong hinugot ang cellphone mula sa aking bulsa at binasa ang mensahe ng epal na nagtext.

1 message received:

From Dyosa Philip

Hoooy. Where na you? Dito na us. Chos. Saan ka pumunta, sister? Wait ka namin ditey. Same place.”

 

Dyosa Philip? Nakialam na naman ang magaling na bakla ng cellphone ng may cellphone. Napasimangot ako at mabilis na nag-type.

To Dyosa Philip:

 Papunta na. Wait.

 

After I pressed the send button, binalik ko ang pansin ko sa dalawang taong iyon.

Imagine my shock and disappointment when I didn’t see them anymore. They’re gone.

What the heck?

Ganoon kabilis?

May lahing vampire? Salvatore brothers ang peg nilang dalawa?

Napakamot ako sa buhok ko at dali-daling tumalikod at naglakad.

 I need to find my friends.

--

“Bakla. Yuhooo. Here,” sigaw ni Philip.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses niya at nang matanaw siya katabi ng booth ng Zagu ay dali-dali ko siyang nilapitan.

I made a face. Same place pala ha.

“Hoy. Saan ka ba galing? Bigla ka na lang nagmissing in action. Ano, ‘te? Marunong ka na ngayon mag-teleport ha?” Dire-diretsong sabi ni Philip habang pigil na pigil naman sa pagtawa sina Cess at Kaye.

“Heh!” Sabay takip sa bunganga ni Felipe.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon