Chapter 32 (Part 2)

875K 10.1K 2K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012

"O. Juice mo." Nilapag ko sa lamesa ang juice at tinapay na inorder ng maarteng si KJ.

Walang imik na uminom lang ito at kumain.

"Thank you ha." I said sarcastically sabay diretso ulit sa terrace para magbasa.

Grabehan sa kakapalan ng fez.

Ni hindi man lang ako pinansin. Tapos mukhang wala siya sa mood, samantalang kanina lang eh kinukulit niya ako. Bipolar talaga ang yabang na iyon.

--

"Bukas na pala ang laban niyo." Pagbubukas ko ng topic habang kumakain ng dinner.

Deadma.

"Ikaw raw Captain ng team niyo? Naku. Talo na kayo niyan." Tumawa ako.

Deadma.

Tiningnan ko saglit si KJ. Walang-imik na kumakain pa rin ito.

"Hoy."

Deadma.

"Manonood ako ng laban niyo." Sabay smile ng todo.

Napatingin naman sa akin si KJ habang ngumunguya. Nawala ang kunot ng noo nito. Nice. Mukhang okay na ulit si yabang.

"Buti na lang ininvite ako ni Harold. Hindi mo ako sinasabihan na manood eh. Siguro kasi ayaw mo mapahiya noh?" Sabay tawa ng nakakaloko.

Biglang bumalik ang kunot nito sa noo. Yumuko si KJ at binagsak ang kutsara at tinidor. Bigla itong tumayo at lumabas ng kusina. Ni hindi man lang ako nilingon.

Anyare?

Bakit ba gano'n siya? Uso ba talaga ang mood swings ngayon sa madlang pipol?

Why is life so complicated?

Why is love so complicated?  What?

May pagkafeeble-minded talaga ang lalaking iyon. Last time ako ang may topak sabi niya, eh bakit ngayon siya naman? May schedule? Kaloka.

I sighed.

So it's true, the worst feeling in the world...is being ignored.

--

Saturday.

Hindi talaga ako pinapansin ni KJ. Mukhang mainit ang ulo niya. Bakit kaya? May ginawa ba ako? Grabe. Wala naman akong matandaan. Ako pa nga itong parang tanga na kausap ng kausap sa kanya tapos siya pa ang may ganang umakto ng ganyan?

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon