Secretary 2

2.3K 68 2
                                    

Secretary 2
Agency & Timothy




Nandito na kami ngayon ni Jorgina sa tapat ng Agency na pag-aari ni Timothy- Wow ah. As in WOW!

Kilala ko si Timothy, pero hindi ko inakala na may ganito syang properties. Ang simpleng tao naman kasi nya pag nakaka-harap ko sya noon.



"Jorgina, di naman Agency to e! Ang laki oh! Parang mall naman sa laki ng Agency, sure ka ba hindi tayo naliligaw?"


Para naman kasing mall sa laki. Paanong hindi ako magtatak- *pak!*

Araaaaay!

Nakaka-ilang na talaga tong si Jorgina sa kakapalo sakin e! Ang sakit na ng braso ko mga bes.


"Jorgina naman! Tama na... Ang sakit mo pumalo e. Aray ko... parang palo-palo yang kamay mo e."


"Ha ha ha ha! Ganyan ba ang nasaktan Lila? Umayos ka nga. Papasok na tayo sa Claymore premises. Wait I'll call Kuya Tim."




Tinawagan nga nya. E bakit kelangan pang lumayo di ba? Parang timang. Tsk. Tiningnan ko na lang yung outfit ko sa salamin ng kotse. Muka naman akong presentable. Mukang mayaman. Muka lang.



"Hi Kalila! Nice to see you again."



"Omygosh! Oh... Oh, H-Hello Timothy! A-ano ba 'to! Lila na lang itawag mo sakin! Parang di mo naman ako kilala nyan e!"


Sinulyapan ko sa salamin ang itsura ko. Wala, nakaka-concious kasi tumingin si Timothy e. Mapang-asar naman ang tingin ang tinapon sakin ni Jorgina.




"Yan ba ang in-good terms? Kayo ang lihim nyo masyado!"





"Enough of playing cupid Jorgina. Matagal ng tapos ang storya namin ni Lila. I'm fine as her friend."



"O-oo nga Jorgina. Tigilan mo nga. Nakakahiya e!"


"Ha ha ha ha! Tara na nga!"


Pumasok kami sa nasabing gusali. Sinusulyapan ko lahat ng madaanan namin. Ang gara naman. Marble ang flooring, sobra pa ang liwanag na binibigay ng chandelier sa hallway at staircase. Bongga talaga ng family ni Timothy. Sumakay kami ng elevator papunta sa 3rd floor kung saan nandon ang Recruitment Agency ng Claymore.




"Just submit your resumè Lila. No interview is needed."






"Wow, Kuya Tim. Special treatment ka masyado ah? If I know nagpapa pogi points ka lang e! Hahaha!"




Uyy, bakit namumula ang tenga nya? Marunong din pala mag blush ang mga boys? Hahaha! Ang cute lang tingnan!




"No, that's not Special Treartment. It's just a token of our friendship. Kilala ko naman na siguro ang bestfriend mo? There is no need for an interview."





Kahapon ko pa ipinasa yung resume ko pero nagpasa ulit ako. Para sigurado. Kahiya naman. Pero okay lang, hindi ako tatanggi. I need this job. Sa dami ng babayaran ko? Pass muna ako sa Hiya. Nakipagkamay ako sign na tinatanggap ko yung trabaho na ibibigay nya.




Wanted: SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon