Secretary 5

1.9K 49 1
                                    

Secretary 5
Interview & Stranger






KALILA'S POV





Naka-titig lang ako sa lalakeng kaharap ko ngayon. Pahiya on it's finest. Grabe, hiyang hiya ako na harapin si boss. Kung pwede lang sana na bumuka ang lupa at kainin ako.




The whole span of time ng interview puro "yes" lang naisagot ko sa sobrang hiya. Hindi naman nya ini-open yung nangyare kanina. Don lang ako nakahinga ng maluwag.





"You won't be having any training sessions. You'll work impromptu."





"Pero sir?"



"No more buts Ms. Avila. We don't have enough time for that."





Yun lang ang sabi nya then tumahimik na at ininom yung coffee nya. Napa-higop tuloy ako sa sa coffee ko e. Mag nervous breakdown ata ako sa sobrang kaba ko e.





"So, how are you affiliated with Timothy Claymore?"



Wow? Showbiz naman pala ang interview ko. Chismoso din pala si Sir?



"Wala ka bang ibang gagawin kundi titigan ako?"






"Iwasan nyo po sana maging gwapo sir, nakaka-distract kasi e."





Okay, nasabi ko talaga yon? Mabuti na lang at yumuko ako. Kailangan ko rin naman umiwas na mapahiya. Quota na kaya ako today.




"You're really saying that to your boss huh?"




"Opinyon ko lang naman sir."





Sagot ko sa kanya. Nginitian lang ako. Hindi ko na tuloy nasagot yung tanong nya.





"Pwede ka ng mag-umpisa bukas."





Tumayo sya ng maubos yung drink nya. Ako naiwang tulala. Good news sakin yun! Atleast alam kong hindi nya ako i-pa-fired dahil sa nangyari kanina, pero come on! Agad agad? Hindi ako ready!





"Po? Seryoso po talaga kayo na walang training keme sir???"




"Oo naman. Yung nauna sayo, umalis na agad. Kaya walang magtu-turo sayo."






"Pero sir??? Hindi ako ready! Saan ako mag-uumpisa non???"





"I'll be the one to guide you. Come on."





Pagkasabi nya non, feeling ko lumiwanag ang paligid kasabay ng pag-ngiti nya. Natulala na naman ako! Naisip kong kurutin ang legs ko. Para naman matauhan ako kahit papaano.






"Ang sheket. Grabe totoo na talaga to! May trabaho na ako!"





Sabi ko sa sarili. Sinundan ko na lang ng tingin si Sir. Bakit ang hotness nya sumasabay sa init ng panahon?






180° degree ang ang leeg ko ngayon kakasunod ng tingin kay sir. Ouch! Na-untog tuloy ako sa salamin! Grabe, di ko lubos na maisip bakit sya nilalayasan ng mga secretary nya?





Wanted: SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon