Secretary 11

150 4 3
                                    

Secretary 11

Maliwanag na sinag ng araw ang bumungad sakin mula sa isang bangungot.

Ilang araw na rin matapos dumating ang batang yon sa buhay namin.

Di ko alam kung ano ang kinalaman o kung may kinalaman ba sya sa mga bangungot na nararanasan ko lately.



Mommy...

Isang malambot at mainit na kamay ang dumampi sa aking pisngi na nagpabalik sakin katinuan. Nawi wirduhan na talaga ako sa sarili ko. Sa tuwing hahawakan ako ng batang to palaging kumakalma ang sistema ko. Walang tanong, walang pangamba, walang takot: na sya naman ipinagtataka ko.









Ano yun Autumn? Goodmorning...



Kung iisiping mabuti, simula ng mapalapit sya sakin ay sya ring umpisa ng mga bangungot. Pero imbis na matakot ako sa batang kaharap ko ngayon ay magaan pa ang loob ko sa kanya.



Labas na po tayo Mommy.



Tara na para makapag wash na si Mommy.



Magulo ang isip ko sa nangyayare sakin ngayon. Puno ng katanungan ang puso ko. Isang puwang sa puso at pagkatao ko ang binubuhay ng batang hawak kamay ko ngayon.



Anak, mag almusal na tayo.

Pag aya ni mama ng makita kaming pababa ng hagdan.

Ipinagluto ko kayo ng pancit bihon dahil maaga akong nagising.

S'yang sabi naman ni papa. Mukang good mood sila ah. Kung sa bagay wala naman dapat ika panget ang araw namin.


Tao po!

Tatlong malakas na katok ang syang sumira sa araw ko. Bwiset sino bang siraulo ang wagad kumatok sa pinto.



Sino yan! Saglit lang naman!


Pag bukas ko ng pintuan isang hindi inaasahang panauhin ang bumungad sakin. Anong meron? Bakit may mga pulis sa labas ng bahay namin?



Nandyan ho ba si Misis Maya Avila?



Nandito po. Ano hong kailangan ninyo?



Gusto ho namin sya makausap kung maari.





Sagot ng pulis sa tanong ko. Pero parang may kulang sa sagot ano? Ano bang meron? Bakit kailangan makausap si Mama?

Saglit po tatawagin ko lang po si mama.


Pag pasok ko ulit sa bahay e nakain naman na sila mama.



Ma, may naghahanap sa inyo.


Masaya nilang sinusubuan ng pagkain si Autumn Wyne na makikitaan naman ng tuwa sa atensyon na ibinibigay nila Mama at Papa.

Wanted: SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon