CHAPTER 2

2.1M 46.2K 12.1K
                                    

CHAPTER 2

NAKANGITI SI GRACE habang sinasalubong ang mga imbitado para sa bachelors' auction. Nakakatuwa dahil lahat ay parang excited sa mga magaganap at ganoon din ang nararamdaman niya.

Pero ang ngiti niya ay nawala nang makita ang aso niyang si Valerian na iika-ika habang naglalakad palapit sa kanya. Pity filled her heart for her baby.

Ang walanghiyang lalaking 'yon kasi, sinagasaan ang aso niyang walang kamalay-malay at inosente.

Kumulo na naman ang dugo niya nang maalala si Valerian Volkzki. Ang nanakit sa aso niya. Good thing that brute was not here. Baka masagasaan niya ito kapag nagkataon.

Sinaktan ng lalaki ang aso niya kaya naman gusto niya itong karatehin. She wasn't a violent person and she was taught to respect others. But when it came to her dog, agad siyang nabi-beast mode.

Huminga si Grace nang malalim habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng pinagdadausan ng party. Everything was doing well. Nang makita si Iuhence Vergara, ang kababata niya at kaibigan ng kanyang ama, agad niya itong nilapitan para magpasalamat at kausapin na rin.

But her mood shift into beast mode when she suddenly saw Mr. Volkzki with his friend.

"Valerian Volkzki." Tumingin siya sa guwapo nitong mukha. "Well, well, thanks for coming." Pinukol niya ito ng masamang tingin para malaman nitong ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Mr. Volkzki. "After this, we're even."

Ipinaikot ni Grace ang mga mata pero natutuwa naman siya na naroon ito. "Even Steven, Mr. Volkzki."

"Good. And for the record, hindi ko ginustong masagasaan ang pinakamamahal mong poodle. What happened was your fault," sabi ni Valerian at humarap kay Iuhence na para bang hindi siya nito kausap. What a very rude man. "I send some pictures on your email. Malapit nang matapos ang construction ng airport."

"Thanks, man," sabi ni Iuhence at nagkamay ang dalawa. Umalis na si Valerian nang hindi man lang nagpapaalam.

Bastos nga talaga. Nakakairita ang ugali ng lalaking 'yon. Ang suplado.

"What's with you and that guy?" tanong bigla ni Mhelanie—na kasama ni Iuhence—na nagpainis sa kanya.

"Muntik na niyang masagasaan ang poodle ko. Thank God at injury lang ang nakuha ni Valerian."

Nagsalubong ang mga kilay ni Mhelanie. "Valerian? 'Yong lalaki?"

"No. Valerian ang name ng poodle ko. Bigay 'yon ni Daddy kaya mahalaga sa akin 'yon," sabi niya. "Sige, maiwan ko na kayo. Mag-uumpisa na ang auction."

"Auction?" gagad ni Iuhence.

"Yes. We're auctioning men. Bachelors. Makakatulong ang pera na makakalap namin para sa mga aso na nangangailangan ng kalinga at pag-aaruga." Ngumiti si Grace. "Enjoy you two," sabi niya, saka iniwan ang dalawa.


"I am Tessmarie, I will be your emcee tonight." Ngumiti ang babae at nalukot naman ang mukha ni Valerian.

Fuck! Can't this get any faster?!

And what the heck am I doing in this goddamn party?

Nag-landing ang mga mata ni Valerian sa babaeng may pinakamagandang pang-upo na nakita niya. Nakatayo ito malapit sa platform.

Yeah. He came here to see that hot piece of ass. It was like his daily dose of vitamin for his horniness. Fuck this!

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon