CHAPTER 23

1.4M 32.6K 10.1K
                                    

CHAPTER 23

One and a half year later...

Napaigtad si Grace nang may umakbay sa kanya habang nakatingin siya sa karagatan. Nang tingnan niya kung sino 'yon, napangiti siya nang makita ang kababata at kaibigan niyang si Lash Coleman.

They were close when they were kids. Nang lumaki sila, naging busy sila pareho. Naging close lang sila uli nang mamatay ang mommy niya at nakilibing ito. Simula n'on, bumalik nang muli ang turingan nila sa isa't isa.

"Akala ko matutulog ka na," sabi niya.

Lash shrugged. "Can't sleep. Bukas dadaong na ang Black Pearl Cruise Ship sa Pilipinas."

Pinag-aralan ni Grace ang emosyon sa mukha ng lalaki. "You look tense," obserba niya. "Bakit?"

"Uuwi na si Nez," sabi nito, saka bumuga ng marahas na hininga. "God, anong klaseng pagtitimpi na naman kaya ang pagdadaanan ko? It would be torture to see her and not touch her."

Humilig siya sa balikat ng kaibigan. "Lash, kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi. Pero ang suwerte ni Nez dahil totoo ang pagmamahal mo sa kanya."

Ginulo ni Lash ang buhok niya. "How about you? Kumusta naman ang buhay-pag-ibig mo?"

Nagkibit-balikat si Grace. "Ayoko muna sa pag-ibig na 'yan. Sakit lang ang hatid niyan sa mga tao." Iminuwestra niya ang kamay rito. "Look at you, nagmamahal ka lang naman pero nasasaktan ka. 'Yan ang pag-ibig, mahilig manakit at masyadong paasa."

Lash faked a cough. "Bitter alert."

Inirapan niya ito. "Totoo naman 'yon."

Ibinalik ni Grace ang tingin sa karagatan at huminga nang malalim. Naapektuhan na yata siya ni Nali sa pagiging bitter. Hindi naman 'yon nakakagulat. She felt the real pain because of love, may karapatan siyang maging bitter. At oo, siya ang umalis, pero balak naman din niyang bumalik agad, saka siya magpapaliwanag.

Pero apat na buwan pa lang simula nang mawala siya, may ipinalit na agad ang lalaking 'yon sa kanya. The pain was still lingering inside her heart. Pero hindi niya hahayaang umiyak na naman siya dahil sa sakit.

And as Nali taught her, she learned so many things, but she never learned to forget Valerian Volkzki. She never learned to erase him in her heart. Bawat gabi, sa tuwing hihiga siya sa kama, naalala niya ang mga pinagsaluhan nilang dalawa. At sa panahong nagdaan, na-realize niyang siya ang may mali. Wala siyang karapatang magalit kay Valerian.

Damn her innocent mind. Inakala talaga niya noon na hihintayin siya nito dahil sa pangakong binitiwan nito. God! Bakot ba hindi siya nag-iisip?

And now she was back in the Philippines, si Valerian ang isang taong ayaw niyang makitang muli. Because she knew, even after the pain she felt because of him, she still loved him.

Tinapik ni Lash ang balikat niya na gumising sa diwa niya.

"Kumusta naman si Tito Greg?" tanong nito kapagkuwan na ang tinutukoy ay ang ama niya. "How is he moving on?"

Lumambong ang ekspresyon ng mukha niya at naging malungkot 'yon. "He's coping in his own way. Mahirap, pero ang tanging magagawa na lang namin ay ipagdasal si Mommy."

Tinanggal ni Lash ang pagkakaakbay ng braso sa balikat niya, saka humilig sa railing ng cruise ship. "Saan ka naman ngayon pupunta? Bubuksan mo uli ang clinic mo? Si Nali, kumusta na 'yon?"

Tumango siya. "I'm starting over again. Si Nali naman, nakuhang model ng isang modeling agency sa California. Si Dad naman, nanatili sa Japan."

Lash sighed and looked at her worriedly. "Are you sure that you're okay?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon