CHAPTER 20

1.8M 33.7K 8K
                                    

CHAPTER 20

Ihinilig ni Grace ang ulo sa balikat ni Valerian. Hapon na pero nasa sementeryo pa rin silang dalawa, magkahawak-kamay at magkalapit ang mga katawan. Valerian looked sad, and she could understand him. Masakit ang mawalan ng taong minamahal, lalo na kung sinisisi mo ang sarili sa pagkamatay nila.

Kaya naman nawala na sa isip niya na buksan ang clinic niya. Ngayong araw, sasamahan niya si Valerian. Ayaw niyang malungkot 'to. Mabuti na lang iniwan niya sa ibaba ng unit ang aso niyang si Valerian. May mag-aalaga rito habang wala siya.

Pinisil niya ang kamay nito. "Valerian?"

"Hmm?"

Tinanong niya ang kanina pa gumugulo sa isip niya. "Kumusta ang relasyon mo sa daddy mo? Are you two in good terms?" Pagkatapos ng naikuwento nito sa kanya, imposibleng maganda ang samahan ng dalawa.

Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "After a decade, 'yong galit ko sa kanya, nandito pa rin sa puso ko. Hindi ko siya kayang patawarin pagkatapos niyang tanggapin ang pera na para bang iyon lang ang halaga ng buhay nina Mommy at Airjem."

Niyakap niya ito mula sa tagiliran at hinalikan sa leeg. "Valerian, hindi ko sinasabi na patawarin mo ang daddy mo, pero masamang magtanim ng galit sa kapwa."

Mapait itong ngumiti. "I don't fucking care if it's bad. I fucking hate him, that's what I feel. And I'm not gonna fucking pretend that I fucking don't so God would welcome me in heaven."

Napangiwi si Grace sa maraming mura na lumabas sa bibig ng lalaki. Bumuntong-hininga siya, saka hinawakan ang pisngi nito at ibinaling paharap sa kanya.

She then kissed Valerian in the lips and he automatically kissed her back.

"Pati ba naman sa sementeryo, naghahalikan kayo?"

Naghiwalay ang mga labi nila, saka tumingin sa bagong dating. Si Knight. Nginitian niya ang lalaki na may dalawang dalawang bouquet ng puting rosas.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" May iritasyon sa boses ni Valerian.

Ipinaikot ni Knight ang mga mata, saka inilapag ang dalang dalawang bouquet ng puting rosas. Isa sa puntod ng ina ni Valerian, isa naman sa puntod ni Airjem. Kapagkuwan ay ipinikit nito ang mga mata at sa hinuha niya ay umasal ng panalangin. After that, he went to Valerian side, sat on the grass and sighed.

"At least, tatlo na tayo," komento ni Knight bago tinapik ang balikat ni Valerian. "As usual, sasabihin ko uli na hindi mo kasalanan ang nangyari."

Sasang-ayon sana siya kay Knight nang makarinig siya ng yabag. Her heart softened when she saw Shun Kim running towards them. He was also carrying two bouquets of white roses. Tulad ng ginawa ni Knight, inilapag ni Shun ang mga bulaklak sa puntod, saka umusal ng panalangin.

Grace was happy for Valerian. Oo nga at galit ito sa mga Hapon at Kastila, pero ang kaibigan nito ay isang Hapon at isang Kastila. The world was really weird most of the time. But its weirdness made it go round.

Lumapit si Shun kay Valerian, saka tinapik ang balikat nito. "Another year to grave, my man, but it isn't your fault."

Tumango lang si Valerian, saka humigpit ang hawak sa kamay niya. Humigpit naman ang yakap niya rito, saka humilig sa balikat nito.

"Bumisita na ba ang daddy mo?" tanong ni Knight.

Umiling si Valerian. "Hindi ko alam, sana hindi na. Pakitang tao lang naman siya tuwing pumupunta rito."

Shun sighed. "So ano'ng gagawin natin ngayon?" Tumingin ito sa kanya. "Now that Grace is here, nasisiguro kong hindi tayo mag-iinuman hanggang sa mahiga na tayo sa sariling suka."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon