CHAPTER 34

1.8M 32.8K 9.7K
                                    

CHAPTER 34

Valerian felt elated. The happiness he was feeling at the moment couldn't be explained even by the smartest person on the planet. At lahat ng kasiyahang nararamdaman niya ay dahil sa iisang babae na naging sentro na ng mundo niya.

Natigilan siya nang marinig na nag-ingay ang doorbell ng bahay niya.

"Wait, moon cake, titingnan ko kung sino," sabi niya bago iniwan si Grace sa kusina na nagbe-bake ng cup cake.

He walked towards the door and opened it. Napakunot ang noo niya nang makita sina Knight, Shun at Dark sa labas.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" nagtatakang tanong niya.

Inilapit sa kanya ni Dark ang anak nitong si Light na isang taong gulang na. "Light, manghingi ka ng regalo kay Ninong Valerian mo."

"At sumama lang kami sa pamamasko ni Light," sabi ni Knight.

Tumango naman si Shun bilang pagsang-ayon.

Tumingin sa kanya ang bata, saka nagpalobo ng laway sa bibig.

Napailing-iling siya. "Mga gago, malayo pa ang Pasko," sabi niya, saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Anong malayo?" Alam na ni Knight kung paano makapasok sa bahay niya. "Didn't you know, malapit na ang Pasko? By the way, ano'ng regalo mo sa 'kin?"

Umingos siya. "Ang suswerte n'yo naman kung reregaluhan ko kayo. Mga ulol."

"Hey! Watch your words!" singhal sa kanya ni Dark. "Maririnig ng baby ko."

Ipinaikot ni Valerian ang mga mata. "Wala akong regalo sa inyo, pero si Grace mayroon." Tumingin siya sa pinto ng kusina. "Moon cake? Halika rito sa sala, please? Nandito sina Knight, Shun at Dark," sigaw niya para marinig ni Grace. "Nanghihingi ng regalo ang mga luko-loko, eh, isang buwan pa bago ang Pasko."

"Nandito si Grace?" gulat na tanong ni Shun.

"'Bati na kayo?" tanong ni Knight. "Parang magkaaway kayo kahapon, ah. I saw the glares."

"Yeah. I saw it too," nakangising sabi ni Dark.

Valerian rolled his eyes. "Mga tsismoso."

"Slight lang," wika ni Knight na nakangisi.

Tamang-tama naman na lumabas si Grace sa kusina. May dala itong tatlong box na kulay-red.

Napangisi si Valerian. Hmm. Pasko pala, ha? Tingnan natin kung mamasko pa kayo sa 'kin, ngayon.

"Moon cake." Nang makalapit ito sa kanya ay hinalikan niya ito sa noo, saka bumaling sa mga kaibigan niya. "We're back together."

Ang lalapad ng ngiti ng mga loko.

"Good for you, man," sabi ni Knight at tumingin kay Grace. "Alam mo ba kung ilang alak ang nalaklak niyan nang mawala ka?"

Umiling si Grace. "Hindi. Ilan ba?"

Knight grinned. "Uncountable."

Tumawa si Shun. "'Tapos umiyak pa 'yan nang umalis ka."

Dumagdag pa si Dark. "'Tapos alam mo bang nang malasing 'yan one time, pinagsisigawan niya 'yong mga guard dito sa Bachelor's Village kasi pinaalis ka raw nang hindi nagpapaalam sa kanya."

Isa-isa niyang pinukol ng masamang tingin ang mga kaibigan niyang tsismoso. "Magsilayas kayo sa pamamahay ko. Sasakalin ko kayong tatlo, eh."

Mahinang tumawa si Grace, saka kiniliti ang tagiliran niya. "You love me that much, huh?"

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon