CHAPTER 24

1.4M 31.7K 7.6K
                                    

A/N: To CM CORTES --> Happy Happy Birthday sayo!


CHAPTER 24

"Ito na nga lang ang bilhin mo, maganda naman, eh," sabi ni Grace kay Lash na abala pa rin sa pamimili ng ibang singsing. "Ito lang ang nagustuhan ko, actually."

"Honey, may iba pa tayong pagpipilian," wika ni Lash na sinasakyan pa rin ang kalokohan nila kanina. "How about sa brochure?"

"Hmm..." Pinindot niya ang monitor ng computer. And using her fingers, she swiped and swiped until she heard Lash's voice.

"Stop," sabi nito. "That's the one."

Napatitig si Grace sa singsing na napili ng lalaki. Tumaas ang kilay niya sa ganda n'on, pero maganda rin naman ang presyo. Lahat yata ng bulsa sa pantalon mo ay mabubutas sa sobrang mahal.

"Ang mahal naman," komento niya na ngayon ay kunot na ang noo.

Inakbayan siya ni Lash. "It's okay. Mahal naman kita, eh." Kinindatan siya nito na ikinatawa niya.

And lulo-loko, talagang ipinagpatuloy ang pakikisakay sa kalokohan niya kanina.

"So, iuuwi mo na ako?" tanong niya. "Pakakainin ko pa si Val, baka magutom 'yon."

"Wait, tawagin ko lang si Ream—"

"Nakapili na kayo?" Biglang pumasok si Ream, saka lumapit sa kanila.

"Yes," sabi ni Lash, saka itinuro ang screen ng computer. "That's the one."

Ngumiti ang lalaki. "Sa Russia pa ito gagawin at baka matagalan nang isang buwan."

"Ayos lang," sabi ni Lash.

Grace rolled her eyes. Ayos lang talaga kasi hindi pa naman alam ni Nez na baliw na baliw sa kanya itong si Lash.

"Okay. I'll call you when it's done," sabi ni ni Ream.

Grace sighed, stood up and faced the door. Her eyes slowly widened in shock. Tumigil ang pag-inog ng mundo niya nang makita ang lalaking ayaw na niyang makita pa sa pagbabalik niya sa Pilipinas.

Valerian.

Nagtama ang mga mata nila ng lalaki at umawang ang mga labi niya. Valerian's eyes were the same as the first time she saw him. Emotionless. Pero hindi maikakailang mas gumuwapo pa ang lalaki. Mas naging mature itong tingnan at mas naging maskulado ang katawan. He was wearing a polo shirt, pero alam na alam niya kung ano ang nakatago sa loob n'on.

Gusto niyang magbawi ng tingin kasi para siyang nahihipnotismo na tumitig sa mga mata nitong walang emosyon ni isa.

Pero bago pa siya makabawi, nauna na itong nag-iwas ng tingin, saka naglakad papasok ng showroom.

"Oliveros, show the fucking rings, so I can get the fuck out of here. Pronto." His baritone voice sent shiver down her spine and it shoot down her belly.

At dahil sa pagmumura nito, naalala niya ang nakaraan. One kiss for one cuss. It was a trick that she gladly fell for.

"Volkzki!" Tumayo si Lash, saka lumapit kay Valerian at nagkamay ang dalawa. "How's life?"

Valerian just shrugged. "Good." Bumaling ang tingin nito sa kanya, ang mga mata ay nanatiling walang emosyon. "Who is she?"

Napakurap-kurap sa gulat si Grace nang makaramdam na parang may tumarak na matalim na bagay sa puso niya sa narinig. Ano ba itong nararamdaman niya? Dapat wala na. Dapat hindi na siya nasasaktan.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon