CHAPTER 25

1.5M 32.9K 9.4K
                                    

CHAPTER 25

It's Grace's fourth day since she opened her clinic. Nakakatuwa kasi kahit paano ay dumadami na uli ang pumapasok doon. 'Yong mga dating pasyente niya nang makitang bukas na uli ang clinic niya, nagsipagbalikan sa kanya.

And now, as she sat on her swivel chair. Hinaplos niya ang balahibo ni Valerian sa ulo. Panay naman ang kahol nito.

"O, bakit?" pagkausap niya sa aso. "Na-miss mo ba ang mga kalaro mo sa Japan?"

Valerian barked at her.

Ngumiti siya. "Nandito naman ako, eh. Ako na lang ang magiging kalaro mo."

Biglang tumunog ang bell sa may pinto. Nakangiting nag-angat siya ng tingin at nanigas sa kinauupuan nang makitang pumasok doon si Valerian.

Her heart instantly beat faster than the normal. Oh, God! Please. Dapat hindi niya iyon nararamdaman! At ano ba ang ginagawa ng lalaking 'to rito?

Pinakalma ni Grace ang sarili, saka tumayo. "Good afternoon," pormal niyang sabi. "May kailangan ka?"

Itinaas ni Valerian ang braso kung saan may karga-karga itong aso. "Shun fell. Ilang minuto siyang nawalan ng malay." Lumapit ito sa mesa kung saan niya ini-examine ang mga pasyente. "Baka may nangyaring masama sa kanya."

Lumapit siya sa pinaglagyan nito ng aso, saka mabilis iyong sinuri. Wala silang imik pareho habang inaalaman niya kung ano ang problema sa aso.

And this feels weird. God!

Humugot siya ng isang malalim na hininga at tumingin sa mga mata ni Valerian na walang emosyon. "Swollen ang left leg niya at saka ulo. Pero hindi naman malala," sabi niya. "May gamot ako para diyan. Dito ka lang." Kumuha siya ng gamot sa stock room at nang makabalik ay agad niyang inabot 'yon sa lalaki. "Here. Just apply it on the swollen area for two weeks. 'Tapos balik ka rito para makita ko kung maayos na siya."

Tinanggap ni Valerian ang gamot na iniabot niya at naglapag ng pera sa mesa. Grace was expecting him to leave, but he didn't. Matiim itong nakatitig sa kanya na para bang may malalim na iniisip.

"May kailangan ka pa?" tanong niya.

Tumaas ang kilay nito. "So Lash fucking Coleman, huh? Alam ba niyang secondhand ka na?"

Parang may yumurak sa pagkatao niya sa narinig na sinabi nito. He was insulting her and it hurt. Pero hindi niya hahayaang makita nito ang sakit na nararamdaman niya.

Taas-noo siyang sumagot. "Lash loves me. Kaya wala siyang pakialam kung secondhand na ako. And why would you care?"

Nagdilim ang mukha ni Valerian. "I fucking care because he is my fucking friend. You are a secondhand good that was—"

Malakas na tumama ang palad niya sa piangi nito. "Wala kang karapatang insultuhin ako. At ayoko ng nagmumura kaya umalis ka na sa clinic ko kung wala ka nang kailangan pa," matapang niyang sabi.

His shock face turned into a sardonic smile. "Not so innocent now, huh?"

Tumalim ang mga mata niya. "I grow up."

He smirked. "Did you now?" Inisang hakbang nito at pagitan nila, saka sinapo ang baba niya at inilapit ang mukha sa mukha niya.

Nagwawala ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok n'on.

"Valerian..." anas niya nang maamoy ang mabango nitong hininga.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya, kapagkuwan ay parang napapasong bigla na lang pinakawalan ang baba niya. "Thank you for your service, Doc," sabi nito sa walang emosyong boses, saka lumabas ng clinic niya.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon