Chapter 3 - Unlucky Day

60 0 0
                                    

Unlucky Day

Totoo nga bang may malas sa buhay ng tao? Ano nga ba ang dahilan ng di maipaliwanag na kamalasang nangyayari sa buhay natin? Malas nga ba itong maituturing o leksyon para hindi na tayo magpabaya at magsa-walang bahala.

*krrrrriiiinnngggggg!

Dahan-dahan kong kinapa ang alarm clock sa side table ng kama  ko. Hudyat na ito na alas-sais na ng umaga! Ugh! Unti-unti ko ring idinilat ang aking mga mata. Kahit ayaw pang bumangon ng katawan ko, kailangan ko pa ring bumangon para pumasok sa eskwela. Sobrang nakakatamad na araw. Lalo na't puyat ako kagabi dahil sa kaka-review ng mga lessons para sa quiz namin mamaya sa first subject.

Agad akong tumayo, bumaba para mag-breakfast. Nadatnan ko sa dining sina Mama at Heart.

"Goodmorning sunshine!" Bati ko sakanila.

"Goodmorning Sis." Si Heart.

"Maganda yata gising natin? Maupo ka na't kumain." Sabi naman ni Mama.

Si Papa naman maagang umaalis yun papunta sa trabaho niya.

Maya-maya habang abala kami sa pag-kain biglang sumingit si Ate Bing.

"Star! O nandito na yung sundo mo.." Kinikilig pang sabi nito, kasunod non ay lumabas mula sa likuran niya ang isang napaka-gwapong nilalang. Si Rex. Napangiti nalang ako habang kumakain.

"Goodmorning po Tita.." Nag-mano pa ito kay Mama. "Hi Heart.." Nag-biro pa itong kukunin ang kamay ni Heart para mag-mano. Natawa naman kami at inirapan siya ni Heart. Lumapit ito sa may upuan ko "Goodmorning Star.." Maginoong bati nito sakin kasabay ng mga pamatay niyang tingin at ngiti.

Pakiramdam ko maiihi ako sa kilig. Shet ka Rex!

"Gusto mong kumain? Tara!" yaya ko sakanya.

"Hindi na, kumain nako sa bahay.. Hihintayin nalang kita." Nag-wink ito at dumiretso na sa sala.

Binilisan kong kumain syempre ayokong mag-hintay si Rex ng matagal.

Pagtapos ko ay agad ko siyang pinuntahan. "Ahm, Rex.." Busy kasi ito sa pag-babasa. Nerdy ampeg ha! "Maliligo lang ako, can you wait?" I said.

"Ofcourse I can.. for you!" Sabi nito. Sige lang pakiligin mo lang ako, baka bumigay na ko't sagutin ko na siya. Haha! Tumango ako at umakayat na sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Masaya akong naliligo at pakanta-kanta pa.

"Naniniwala na ako sa forever.. simula nung nakilala kita.." Kanta pa more. Habang nag-sasabon ako, biglang may dumapong ipis sa batok ko na agad kong ikinagulat. "Aaaahhhhhhh! Shit!" Malakas na sigaw ko.

Mabilis akong nag-banlaw at lumabas ng banyo! Walangyang ipis yon! Panira ng moment ko! Okay na eh! Boset.

May kumakatok sa pinto. "Star! Star! Are you okay? Bat ka sumisigaw!?" Si Rex pala. Hala! Dinig pala yun sa labas.

"Ahhm, yes Rex. I'm okay, wait lang mag-bibihis na ako." Sagot ko.

Nagbihis ako agad at nag-paganda ng todo. Syempre gwapo siya, dapat ako? Maganda rin. Haha. Pag-baba ko, I saw him sitting on the couch while keep on looking at me habang pababa ako ng hagdan. Those looks! Nakakatunaw naman. Lumapit siya sakin at kinuha ang bag na hawak ko.

"Amazingly beautiful.." Bulong niya sakin. Emegehd! Ano ba! Namumula na ako oh.

"Ikaw talaga.. lika na nga!" Sabi ko. "Ahm, but wait.. Daanan natin si Clary!" I should not forgot my bessy! Baka magtampo yon kasi puro ako Rex.

Singaw Sa Loob Ng FXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon