Chapter 7 - The Search

34 0 0
                                    

The Search

*hay ano ba yan! Ang tagal naman nung susunod na Fx. Nabuburyo na'ako dito at yung ibang pasahero kaka-hintay sa Fx na yan. Rush hour kasi kaya siguro nag-kakaubusan na. Pupunta kasi akong SM ngayon para bumili sa national bookstore.

Nag-tataka kayo bakit hindi ko kasama si Rex at Clary? Well, busy kasi sila. Si Rex may practical sa mga airlines within three days, si Clary naman busy rin sa thesis project nila. Kaya loner ako ngayon. Sa ngayon, kanya-kanya muna kami. Tutal dalawang linggo nalang at bakasyon na.

Anyway, sawakas nandito na rin ang pinaka-hihintay ng lahat ng nakapila dito, ang Fx.

"O sakay na, sakay na.." Tuloy-tuloy na sabi ng Barker.

At dahil pangalawa ako sa pila, agad akong sumakay sa bandang likod. E favorite ko talaga dito eh. Pag-sakay ko, may mga sumakay na rin dalawang babae at isang bakla. Sa'kin tumabi yung bakla, infairness may itsura si Beki.

Ang sarap lang sa feeling na ang lamig-lamig na dito. Kanina kasi napaka-init sa labas.

Nag-simula ng umandar yung Fx. Nag-bayad na rin agad ako. Lahat kami SM ang punta.

Tahimik lang sa loob ng Fx, mahinang radyo lamang ang iyong maririnig.

"Ang baho naman ditey.." Napatingin ako sa katabi kong bakla dahil bigla itong nag-salita.

Ano daw? Mabaho? Anong amoy? Yun? Nanaman?

Napansin ko rin na nag-takip na ito ng ilong gamit ang isang panyo. Hindi ko parin maamoy kung anuman iyon dahil saakin nakatapat yung aircon, ang lakas pa naman. Sinubukan kong itapat sa iba yung aircon. Maya-maya lang may kakaibang singaw nanaman ang umalingasaw sa loob ng Fx. *what the fvck!? Amoy putok nanaman! This time medyo kakaiba. Pinaghalong bayabas, sunog na buhok at anghit ang amoy nito. Grabe naman pala! Kaya pala hindi na ma-take nitong beking katabi ko. Yung katapat ni Beki ang na-ngangamoy. Samantalang yung katapat ko naman patay-malisya pero pasimple itong tumitingin sa katabi niya, which is Si Ateng nangangamoy putok.

Agad kong itinapat sa'kin ang aircon para naman kahit papano ay hindi ko ito maamoy. Inilabas ko ang cellphone ko at agad kong tinext si Clary.

 
   {Compose'Message.}

Me: *send to Clary'Bes.

      Bessy! Help! I can't breath!

Agad din itong nag-reply.

Clary'Bes: Ha? Hindi ka makahinga? Bakit? Nasan kaba?

Me: Tang*na Bes! Amoy putok nanaman dito sa FX.

Clary'Bes: Putok? As in? Putok sa liki-liki?

Ginawa pang liki-liki eh kili-kili rin yun. Baliw talaga!

Me: Oo! As in! Huhuhu :(

Clary'Bes: Malas mo naman bes! Suki ka talaga ng mga may putok! Hahaha!

Hindi ko na ito nireplyan dahil malapit na rin naman ako sa bababaan ko.

Hindi ko lubos maisip dito kay Ateng may putok kung bakit siya nakaka-tiis na ganun siya!? Hindi niya ba naaamoy ang sarili niya? Baka naman immune na siya sa amoy, kaya ganoon! Hay grabe talaga! Si beking katabi ko, halos ang sama na ng tingin dun sa babaeng may putok. Wala naman itong pakialam sakanya.

Sawakas nandito na kami sa SM.

"Hay nako, makababa na nga ditey! Di ko na ma-take! Ang joho ni Atey!" Mataray niyang sinabi atsaka ito naunang bumaba, tumingin lang si Girl putok tapos yumuko.

Singaw Sa Loob Ng FXWhere stories live. Discover now