Chapter 6 - Feeling Blessed

57 0 0
                                    

Feeling Blessed

Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula nung sinagot ko si Rex. As of now, hindi pa naman kami nag-kakaron ng pag-aaway since maging kami. Napaka-bait naman kasi ni Rex, sweet, maalaga, at talaga namang napaka-understanding na tao.

"Let's go?" Hinawakan ni Rex ang kanang kamay ko atsaka kami sabay na lumabas ng bahay.

"Sure ka ba? Wala kang gagawin ngayon?" Halos naka-tatlong ulit na tanong na ako sakanya mula pa kanina.

Pano kasi sasamahan ako sa groupings naming mag-kakaklase. Finishing na kasi namin ngayon nung thesis project namin na Deodorant. Dahil anytime this week ay ipapasa na namin yung product namin but before that we need a person that can use that product and test if it's effective or not. So ayun na nga, kita mo nga naman napaka-sweet talaga sasamahan pa talaga ako sa groupings namin.

"Oo nga po Miss maganda. Sasamahan kita, yun ang gagawin ko ngayon. So, sakay na?" Pinag-buksan niya ako ng pinto ng sasakyan atsaka ako sumakay. Sumakay na rin siya at nag-simula ng mag-drive.

Tahimik lang kami sa byahe, dahil busy ako kakabasa ng mga handouts namin at layout nung product. Paminsan-pinsan nag-sasalita naman sia at nag-reresponse naman ako. May mga times na magkaka-tinginan kami tapos sabay ngiti. Haha! Kilig much na ako don. Sobrang gwapo nya kasi.

Nang makarating kami sa bahay ng classmate kong si Faith, halos nagulat ito dahil bukod sa ako ang unang dumating sa aming grupo ay hindi niya akalain na isasama ko si Mr.Tourism.

"Oh, Star.. R-Rex.. Mag-kasama talaga kayo ha." Aniya at pinapasok kami sa bahay niya. "Kailangan talaga may bantay? Hahaha.." Natawa naman kami sa sinabi niya.

At oo, simula nung naging kami ni Rex ay sumikat at kumalat na rin sa buong school na ako ang girlfriend niya. Buti nga walang umaaway sakin dahil sa sobrang sikat ni Rex at maraming babae ang nahuhumaling dito.

Maya-maya lang ay nag-sidatingan narin yung iba, pasalamat ako at kumpleto kami ngayong groupings namin.

"Hey, handsome." Ibinaling nito ang tingin sa'kin. Abala kasi siya sa pag-lalaro sa cellphone niya. "Mag-uumpisa na kami okay? Sure kaba hindi ka maiinip or mao-OP?" Tanong ko sakanya.

"Ofcourse not. Sige lang, gawa lang kayo. Pwede kayong humingi ng tulong sakin if ever.." Ngumiti ako. "Ikaw pa, loves na loves kita eh.." Napangiti nanaman ako sa sinabi niya, grabe! Ang sweet talaga.

"Okay then, sabi mo yan ha.. loves you more.." Sabi ko naman bilang ganti.

Una, ina-sign ko muna isa-isa sa mga gagawin nila. Since pito kami hindi ako/kami mahihirapan na tapusin to agad. May ina-sign ako na dalawang mag-tatype, meron namang dalawang mamimili sa market ng mga ingridients at materials, may dalawang nag-ssearch at ako? Nag-susulat at nag-rerecord ng mga files namin. Importante kasing mai-record ko ang mga nai-ambag ng bawat isa.

Nang maka-bili na kami ng mga ingredients at materials ay ginawa namin ito agad. Medyo madali lang naman, pinag-aralan ko kasi mabuti yung timpla nung deodorant. Ang sangkap lang nito ay,

Kalamansi, Lotion, Tawas, Oil, at Tubig.

Makalipas ang ilang oras at sawakas natapos rin namin. Tatlo ang ginawa namin, yung isa ay ipapa-testing namin sa taong may putok o anghit. Samantalang yung dalawa naman ay ipepresent namin kay Ma'am.

Nag-paalam na rin kami kay Faith at sa iba, nauna na kaming umalis ni Rex dahil niyaya ko itong kumain nalang sa labas. Saka kawawa naman yung baby Rex ko, baka nainip siya kanina. Pero infairness, tumulong siya sa pag-gawa at nag-suggest na rin ng ibang mga bagay.

Singaw Sa Loob Ng FXWo Geschichten leben. Entdecke jetzt