Chapter 5 - Family Outing

43 0 0
                                    

Family Outing

Excited ako bukas kasi, tomorrow is the day! Tomorrow is our family outing! Can't wait to wear my summer outfit.

Abala ako ngayon sa pag-iimpake ng mga dadalhin ko para bukas. Guess what? Three days kami sa Bahola Beach Resort sa bandang Ilocos. Nakapag-booked and reserved na kami para sa tatlong araw.

My family, my bestfriend Clary, and my Mr.Tourism ang makakasama ko sa buong outing. Yes, tama! Kasama si Rex buti na lamang at pumayag sina Mama at Papa.

"Excited kana Ate?" Tanong sa'kin ni Heart habang abala kami sa pag-iimpake ng gamit para bukas.

"Oo naman! Sino ba naman ang hindi ma-eexcite no!" Sabi ko habang nilalagay sa bag yung swimsuit na gagamitin ko bukas. "Ay wait, Heart look at this.." Sabay tinaas ko yung swimsuit para ipakita. "Okay ba? Ano? Sa tingin mo? Bagay ba? Sexy?" Dagdag na tanong ko pa. E kasi naman simple lang naman to, color black with gold strap yung pang-itaas tapos yung likod two lace siya pa V-cut. Yung pang ibaba naman, high waisted mini shorts na kulay black din with a gold outline for design.

"Ang awesome! Where did you bought it? Gusto ko rin ng ganyan! Yung sakin kasi ginamit ko na last year nung nang Boracay tayo.." Aniya.

"Binili ko'to last month sa Mall.. hindi ko naman expected na ngayon na tayo mag-be-beach, akala ko kasi after pa ng school year natin." Sabi ko naman, ipinasok ko na muli ang swimsuit.

Pagkatapos ay agad kong tinext si Rex at Clary upang kumustahin kung nakapag-ready naba sila.

{Composed'Message}

Me: *send to Mr.Tourism♡

    hi Rex, ready kana ba for tom.?

Me: *send to Clary'Bes

   Uy bessy!? Ano? Okay kana? Nakapag-impake ka naba?

Habang nag-hihintay ako ng reply nila, nag-kayayaan kami ni Heart na kumain muna sa ibaba. Actually, hindi pa kami nag-didinner nauna na sila Mama at Papa kasi maaga daw silang matutulog dahil maaga silang gigising para bukas. Nadatnan namin si Ate Bing sa ibaba na abala sa pag-aayos ng kusina at kainan.

"Te Bing, wait lang mamaya kana mag-ligpit. Nagugutom kasi kami, gusto mong fu-moodtrip?" Nag-tinginan kami ni Heart sabay tawa ng mahina.

"Kayo talaga, sige bilin ng mama niyo na kumain na kayo dahil hindi pa kayo nag-hahapunan.. teka, ihahanda ko yung mga pagkain." Aniya.

Pinigilan na namin siyang kumilos dahil alam namin na marami siyang ginawa ngayong araw na'to. "Te Bing, sige na pahinga kana.. kami nalang ni Heart dito." Sabi ko.

Tumango ito at nag-tungo na sa kwarto niya. Yes, may maid's room kami. Actually, kwarto yun dati nila tito at tita kaso pumunta na silang ibang bansa kaya ginawa naming taguan ng nga mga gamit namin at naging kwarto ni Ate Bing.

"So ano? Anong kakainin natin?" Tanong ni Heart.

"Ako kasi parang gusto ko ng Pasta, pizza okaya fries.." Naka-tingala pa ako na tila nangangarap sa gusto.

"Meron dito pasta, pancit canton. May pizza dito kaso, pizza dough lang, walang fries pero may patatas.." Bigla akong natawa sa mga sinuggest ni Heart. Baliw din ang isang to pala. So nilapag ko muna sa lamesa yung cellphone ko at saka kami nag-hanap ng makakain.

Habang abala kami sa pag-sesearch ng pagkain sa buong kusina, may narinig kaming nag-doorbell.

Nag-katinginan ulit kami ni Heart. "The Who?!" sabay pa kami ng sabi.

Singaw Sa Loob Ng FXOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz