Chapter 4 - Smelly Morning

32 0 0
                                    

● Smelly Morning ●

"Kahit kailan ka talaga Star! Napaka-bagal mong kumilos! Mala-late na tayo!" Natatarantang sat-sat ni Clary.

"Teka lang naman Clary, nakita mo nang nag-papaganda eh." Sarcastic na sabi ko.

"Sus! Maganda kana atey! Mag-tigil kana! Bahala ka, una na'ko sa labas." Aniya at tumalikod sabay walk-out.

Binilisan ko na ang kilos dahil naghihimutok na ang bessy kong luka-luka. Nang makababa ako, wala akong ibang nadatnan kundi si Ate Bing.

"Te, si Clary po?" Tanong ko.

"Lumabas na yata.." Aniya.

"Sige po, pasok na po ako." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Nasan na yun? Wala na dito sa labas at tapat namin eh. Haynako! Iniwan na ata ako ng baliw na yon!? Bahala siya! Makapasok na nga lang mag-isa.

Sinapak ko ang earphone sa dalawang tenga ko atsaka nag-lakad papuntang pila ng traysikel. Tulala akong nag-lalakad ng biglang may bumusina ng malakas sa likod ko na halos ikinagulat ko. Kahit naka-todo ang volume ng tugtog ko ay dinig na dinig ko pa rin yung busina.

*ay baklang palaka! Bulong ko sa'king sarili.

Lumingon ako sa likod upang malaman ang bwiset na bumusina. Guess who?

Sasakyan ni Rex.

Biglang may lumabas na kamay sa bintana.

"Bessy!? Come here na! Ang tagal mo talaga!" Si Clary talaga bruha!

Pagtapat sakin nung sasakyan sumakay naman agad ako sa harap, sa tabi ni Rex.

"Goodmorning Ms.Beautiful.." Unang bati nito sakin.  Ngumiti lang ako ng tipid dahil sa inis kay Clary. "Oh bakit yun lang? Sayang ang ganda.." Dugtong pa nito.

"Oo nga! Ikaw talaga ang arte mo!" Epal naman ni Clary. Sa sobrang asar ko, pinatigil ko yung sasakyan.

"Ay, wait lang Rex. Can you stop the car? Bababa na muna ako.." Sabi ko.

Nakita ko sa mukha ni Rex at Clary ang pagtataka.

"Ha? Bakit? Anong problema?" Si Rex.

"Ano nanamang kaartehan yan? Aber?!!" Si Clary nanaman!

"Naiwan ko yung I.d ko and pati yung project ko sa Logic." Pagpapalusot ko sakanila. "Sige na, una na kayo. Don't wait for me.. kita nalang tayo sa school." Sabi ko at agad na lumabas ng sasakyan at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan. *tss! Magsama kayong dalawa! Sabi ko sa sarili dahil sa inis. Ang aga-aga binibwisit ako ng dalawang yun!

Nakakainis naman kasi talaga, ang hilig nilang mang-gulat at magplano ng hindi man lang pinapaalam sakin. Alam kong it's a sort of surprise pero, pero, pero nakakainis eh! Hindi nakakatuwa kung surprise man yun! Uuggghhh!

Hinintay kong maka-alis sila at maka-layo ako. Nung wala na sila ng tuluyan, tumawag nako ng traysikel at sumakay. Papasok nalang talaga akong mag-isa.

Nang makarating ako sa highway, sakto naman yung Fx sakin dahil isa nalang ang hinihintay at lalarga na. 

"O isa nalang, isa nalang at lilipad na." Paulit-ulit na sabi ng barker.

"Sasakay ako.." Sabi ko at pinagbuksan niya ako ng pinto. Buti nalang sa likod yung natitirang vacant seat ng pasahero. Pag-sakay ko, halos mapanga-nga ako sa katabi ko. Si Vincent Villaroel ang Mr.Mechanical Engineer ng school. OMG! Sobrang gwapo naman pala talaga niya lalo na sa malapitan.

Singaw Sa Loob Ng FXTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang