TWELVE - Maling akala.

355 6 0
                                    

Hi guys! Please don't forget to vote and leave a comment! I love you all! 


-----


{TWELVE}



Isang linggo na ang nakakalipas at wala pa din namang pinagbago ang takbo ng buhay ko. After class, tinu-tutor ko pa din si Hunter at pagkatapos non ay ihahatid niya ako sa bahay. Si Travis nga ay hindi na masyadong nagpaparamdam sa akin. Bakit kaya?



"Hoy, 'teh! Pila na daw! Tulala ka pa dyan!" kinalabit ako ni Audrey kaya naman bumalik ako sa katinuan ko.



Nandito kami ngayon sa gym ng school. P.E kasi namin at maglalaro kami ngayon ng volleyball.



"Okay, class! Yung Group 1 muna ang maglalaro, okay? Group 1 laban sa Group 2!" sigaw ng mapeh teacher namin at tumango naman kaming lahat.



At dahil kasama ako sa group 1, pumwesto naman ako kung saan ako pwinesto ng teacher namin. Nako, hindi pa naman ako masyadong marunong maglaro ng volleyball. Oo, nakapaglaro na ako ng ganito pero isang beses lang at dati pa yon.



Pumito naman ang teacher namin at hudyat ito na magsisimula na ang laro. Nakita kong may pumasok na mga estudyante na taga-kabilang section dito sa gym. Siguro vacant ng mga 'to.



"Go Zaree!" napalingon naman ako sa dalawa kong kaibigan ng sumigaw sila.



Nag-thumbs up lang ako sa kanila tapos tinuon na ang pansin ko sa laro. Ang daya naman kasi eh, hindi ko sila ka-group! Paano na ako neto?



"Zaree, yung bola papunta na sayo!"



"Ha? Saan?"



Nung mapalingon naman ako kung nasaan ang bola ay hindi ko ito na-spike kasi dere-deretso na itong tumama sa mukha ko. Natumba naman ako at nakita ko pa ang paglapit sa akin ng mga kaklase ko. Pati nga ang mga taga-kabilang section ay tila napa-sigaw din dahil sa pagkatumba ko.



"Ysabelle, okay ka lang?"



Medyo nahihilo na ako kaya hindi ko na masyadong maidilat ang mga mata ko, pero clear na clear pa rin sa akin kung sino yung tumawag sa akin.



Si Hunter yon at hindi ako pwedeng magkamali. Nandito siya.

Loving You From AfarWhere stories live. Discover now