TWENTY-THREE - The Truth.

298 3 0
                                    

Last update for today kasi... may pasok na ako bukas. Huhu, christmas vacation is over! Nakakaiyak pero don't worry, I'll try to update this week. Kailangan ko na din tapusin 'tong story before our prelim exams para wala nang iintindihin, hehe. 


-----


{TWENTY-THREE}



Wednesday ngayon at busy ang lahat ng mga kaklase ko sa pagbabasa. Wow, first time talagang makita silang ganito pero nakakatuwa din—ngayon lang sila nag-effort magbasa ng libro dahil may long quizz mamaya sa tatlo naming subjects.



"Sure kayong page 95 to 150 yung coverage ng long quiz natin kay Ms. Uy?" tanong ni Reggie sa aming lahat.



"Oo nga, pare! Ayaw pang maniwala eh!" tinapik naman siya sa likod ni Louie na kanina pa nagpapatugtog ng gitara. Siya lang yata yung walang pake sa long quizzes namin mamaya dahil pa-chill chill lang siya.



"Ikaw pareng Louie? Wala kang balak mag-aral?"



"Sus! Sisiw lang yan!" mayabang niya pang sagot kaya napailing na lang ako.



Maya-maya pa ay napatingin kaming lahat sa likod nang bumukas ang pintuan ng classroom. Akala namin yung first teacher na namin pero hindi—si Hunter ang pumasok at ngiting-ngiti pa siya.



"Ay trespassing! Bawal ang gwapo dito!" malanding saad ni Franco at pumalakpak pa.



"Franco, manahimik ka nga! Kahiya 'tong baklitang 'to!" pinaupo naman siya ng kaibigan niyang si Edna at natahimik naman ito.



Lumapit naman ang kaklase kong si makulit na si Via kay Hunter at kinausap niya ito, "Sinong hanap mo? Si Zaree? Wala siya dito, nagbakasyon sa States."



Muntik na akong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko yon. Sumunod naman si Louie na natigil sa paggi-gitara dahil kay Hunter.



"Nice one, Hunter! Nandito ka na naman? Wala dito si Zaree!"



Baliw 'tong mga kaklase ko, pinagti-tripan na naman si Hunter. Ganyan yang mga yan eh, napapadalas kasi ang bisita dito ni Hunter sa classroom namin kapag maaga pa siyang nakakapasok o wala pa silang teacher—katulad ngayon.



"Hala! Manliligaw na naman 'to oh!" tinapik naman ni Andre si Hunter na nasa may pintuan at pinapasok siya, "Ayun si Zaree! Kakadating lang galing States!"

Loving You From AfarWo Geschichten leben. Entdecke jetzt