Happy new year, everyone! How's your first day of 2016? Ingat and kung maaari iwas muna sa firecrackers! Hehe, God bless you all! :)
...And because it's the first day of 2016, here's my update for all of you. Enjoy reading!
-----
{SIXTEEN}
Sa ilang beses na pangungulit ko sa kanya para kumain at uminom ng gamot, mabuti naman at napapayag ko na din si Hunter. Heto nga at ayaw pang magpahinga, gusto niya kumanta daw muna ako bago niya akong payagan makauwi sa amin.
"Hunter naman eh! Magpahinga ka na kasi!"
"Ayoko nga! Kanta ka muna."
"Ayoko din!"
"Sus, parang di naman tayo magkaibigan niyan oh!"
Napa-irap na lang ako, "Hay nako, eto na nga!"
I cleared my throat at pagkatapos ay nakita ko siyang nakatitig lang sa akin—hinihintay niya talaga akong kumanta sa harap niya.
Kung sa habang buhay
Isa lang ang sasabihin
Ang pangalan mo ang sasambitin
Maya-maya pa ay napansin kong tahimik lang siya at hindi inaalis ang tingin sa akin.
Kung sa habang buhay
Isa lang ang matatanaw
Ang 'yong mukha ang pagmamasdan
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinuloy ko ang aking pagkanta.
Kung iisa lang ang aking pangarap
Ang mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habang buhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip ang laging nasa isip
YOU ARE READING
Loving You From Afar
Fanfiction[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong imposible ka namang mahalin pabalik? Kung oo, nagkaka-tugma nga kayo ng istorya ni Zaree Ysabelle Salameda, isang simpleng babae na nahulog sa isang lalaking kinahuhumal...