FIVE - Basketball Game.

628 12 0
                                    

Umasa kayong sunod-sunod na yung pagpo-post ko ng chapters, hehe. Merry christmas and here's my present to all of you, my dear readers! x


-----


{FIVE}



"Seryoso ka ba dyan, Zaree? Baka nananaginip ka na naman ha?"



"Totoo nga kasi, Audrey! Totoo 'tong sinasabi ko sa inyo!"



"Well, hindi lang talaga kasi namin makalimutan ni Audrey yung kwinento mo sa amin nung nakaraang buwan."



"Anong kwinento ko sa inyong dalawa? Alin don?" pinatong ko naman ang kamay ko sa desk.



"Yung sinabi mo sa amin na hinalikan ka sa cheeks ni Hunter sabay harurot ng panaginip lang pala! Nakakaloka ka, girl!" kunwaring nagpaypay naman si Sandy sa sarili niya gamit ang mga kamay niya.



Inirapan ko na lang sila at sakto namang dumating din ang English teacher namin.



Bakit ba ayaw maniwala ng mga 'to? Hay nako, Audrey at Sandy!



Nagka-usap na din pala kami kaninang umaga ni Travis dahil sinundo niya ako sa bahay. Nag-sorry siya sa akin dahil nga hindi niya na daw ako naihatid pauwi kagabi. Sabi ko nga okay lang sa akin eh pero nagpumilit siya na hayaan ko na lang daw siya na bumawi sa akin araw-araw. Edi go.



Katulad nga ngayon, kakatapos lang ng klase namin at nakita ko siyang hinihintay ako sa labas ng classroom namin.



"Oh, tapos na din klase niyo?"



"Oo, kakatapos lang din. Tara na?" akmang kukunin niya na sana yung bag ko nang pigilan siya ni Audrey at Sandy.



"Hep hep, saan mo dadalhin itong kaibigan namin ha?" nag-cross arms naman si Sandy.



"Oo nga! Baka mamaya rape-in mo si Zaree ah! Nako, kapag nangyari talaga yon ipapa-pulis ka namin kahit gwapo ka!" tinaas naman ni Audrey ang isa niyang kilay at nag-cross arms din.



"Chillax lang kayo, girls. Yayayain ko lang sana manuod si Zaree ng basketball game namin today."

Loving You From AfarWhere stories live. Discover now