TWENTY-NINE - Hunter Salazar's POV.

383 7 0
                                    

Hello! Sorry kung na-late yung update ko. Bawi naman sa chapter na 'to kasi expect niyong mahaba talaga 'tong POV ni Hunter, hehe. My next update will be tomorrow (kung wala akong gagawing schoolworks) or sa friday na ulit. :)


-----



{TWENTY-NINE} – HUNTER SALAZAR'S POV



"Kung magmamahal ka, wag na lang ako, Hunter. Iba na lang."



"Hoy." Nabalik naman ako sa katinuan ko nang biglang may tumapik sa balikat ko, "Nahatid ko na si Zaree sa kanila."



Napalingon naman ako kay Blue at tinanguan lang siya, "Salamat."



"Sigurado ka bang hindi mo susundan yun?"



"Hindi na muna." Bumuntong-hininga naman ako, "Baka kapag pinagsiksikan ko lalo ang sarili ko sa kanya, eh itaboy niya lang ulit ako."



"Sus, para naman 'tong hindi tunay na lalake! Kaya ka nauunahan ng iba eh."



"Ha?"



Napakamot naman siya sa ulo niya bago magsalita, "Ayoko sanang basagin yang puso mo sa pangalawang pagkakataon pero nung hinatid ko siya sa kanila, may isang lalaki na naghihintay sa kanya sa may tapat ng bahay nila. Boyfriend niya ba yun? Hindi ko naman masasabing kapatid niya yon kasi hindi niya naman kamukha."



Napakunot naman ang noo ko dahil sa binanggit ni Blue, "Anong itsura nung lalaki?"



"Moreno tapos medyo makapal yung kilay." Lumapit naman siya sa akin tapos tinapik ako sa balikat, "Wag kang mag-alala, paps. Mas gwapo ka pa din dun."



Wow, nakabalik na pala ulit si Travis mula sa New York. Napaka-ganda ng timing.



"Gago. Si Travis yun, bestfriend ko na manliligaw niya."



"Anak ng tokwa! Seryoso ka ba dyan?!"


"Oo nga."



Loving You From AfarWhere stories live. Discover now