Chapter 2 (Currently Revising)

326K 2.3K 164
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

"Let me go! Let me go!Ano ba Tristan, ibaba mo ko sabi eh! Ano ba!"galit na galit na sigaw ko habang pinapadyak-padyak ko ang mga paa ko at hinahampas naman ng mga kamay ko ang likod niya.Kasalukuyan naming tinatahak ang grandstaircase ng mansion habang buhat-buhat niya 'ko sa kanyang balikat na parang bang may buhat na sako ng bigas.

Hindi ko maintindihan trip ng lalaking to eh,bigla na lang niya kong pwersahang kinaladkad palabas ng bar kanina at pa-igsang isinakay sa kotse.Nakakahiya!Nando'n pa naman yung mga college friends and classmates ko pati yung mga manliligaw ko!Bwisit talaga! Humanda ka sakin FONTANILLA kapag nakababa 'ko dito!

"Tinitingin-tingin niyo diyan?! Hindi niyo ko tutulungan? "baling ko sa ibang maids na noo'y nakatingin lang sa amin ni Tristan.Hindi ko alam kung natakot sila sakin o guso lang talaga nila akong tulungan kasi mabilis silang naglakad paakyat ng hagdan.

GOOD!Sakin ang loyalty nila.Hahaha.Irerequest ko kay tito na dagdagan sweldo nila.

"Ang makikialam saming dalawa, ngayon pa lang mag-impake na!"bulyaw ni Tristan dahilan kaya animo'y nastiff ang mga paa nila sa sahig dahil bigla silang napatigil.

 Siyempre, mas susundin nila ang anak ng boss nila kaysa sakin.Lalong kumulo ang dugo dahil do'n, pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat patungo sa ulo ko dahil sa sobrang galit at inis.Muli ko siyang hinampas-hampas sa likuran niya.

"Sumosobra ka na talagang lalaki ka! Tingnan mo! Tingnan mo lang kapag nakababa ko dito pipira-pirasuhin kita ng buo! Kakalbuhin ko----"

"STOP Allison,STOP!!"galit na bulyaw na naman niya.

"Stop? Stop mo mukha mo!! Punung-puno na ko sayo FONTANILLA! Punung-puno na 'ko!You stupid! You crazy man! You insane! You baliw!"halos maglabasan na lahat ng ugat ko sa leeg dahil sa kakasigaw, pero hindi pa rin niya ko binababa.

Nanginginig na mga kalamnan ko dahil sa panggagalaiti ko sa lalaking 'to! Nakarating na kami't lahat-lahat sa second floor pero hindi pa rin ako tumitigil sa kakasigaw at kakadakdak sa kanya.Hanggang sa makapasok kaming dalawa sa kwarto ko at padabog niyang isinara ang pinto.Narinig ko ang paglock ng doorknob.Mabilis niyang tinungo ang kama ko at paigsa niya 'kong ibinaba doon. Mabuti na lang at malambot yung kama ko kaya hindi ako nasaktan. Stupid talaga! Sinamaan ko siya ng tingin habang binabawi ko ang katawan ko mula sa pagkakahiga.Nakita kong nakapamewang ang dalawa niyang kamay habang tumataas-baba ang kanyang dibdib na hindi ko sure kung dahil ba 'yon sa pagod sa ginawa niyang pagbubuhat sakin o dahil dala ng sobrang galit na nararamdaman niya.

  Naka grin siya ng teeth at ang sama ng tingin niya sakin, parang kaya niya kong lamunin ng buo dahil sa anyo ng itsura niya.Pwes hindi ako nasisindak! Hindi lang siya ang may karapatang magalit dito!Tumayo ako at mariin ko siyang tinitigan.Mata sa mata.

"Ano na naman bang problema mo huh!!  You dragged me out of that place like your dragging a stupid ass*ole! Eh kung ihampas ko kaya sayo 'yang pakalat-kalat na lampshade sa ulo mo ng matauhan ka! Hindi ka lang baliw, sira-ulo ka ka pa!  "

   halos um-echo sa buong kwarto ang galit na sigaw kong yon, feeling ko nga sumasakit na yung lalamunan ko kakasigaw sa lalaking yan eh.Pero eto lang kasi ang way ko para mailabas lahat ng galit ko. Aba! Ikaw ba naman ang kaladkadin palabas ng bar na para bang kumakaladkad sa isang hayop and the wort is sa harap pa mismo ng mga kaibigan ko at mga kaibigan niya! Oh speaking of 'mga kaibigan niya', humanda talaga sakin 'yung dalawang, 'yon!

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon