Chapter 32

117K 2.1K 561
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Tristan's POV


Wala akong ideya kung gano na 'ko katagal nakatitig sa monitor ng desktop ko sa ibabaw ng office table. Doon nakatuon ang mga paningin ko subalit lumilipad naman ang isip ko. Wala ako sa wisyong magtrabaho, masyadong magulo ang utak ko para gumawa ng ibang bagay.

Nang magsawa sa pagkakatulala ay mabagal na iniikot ko ang aking paningin sa kabilang side ng table hanggang sa mapatuon iyon sa mga frame na nakahalera doon.

Bumalatay ang kirot sa dibdib ko nang mapagmasdan kong mabuti ang aming mga litrato, larawan ng isang masayang pagsasama.

Maingat na kinuha ko ang isang frame roon, 'yung wedding picture naming dalawa. Eksena 'yun nung bigla ko siyang hinalikan sa harap ng lahat kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Sa lahat ng pictures namin ito ang nagpapawala ng lungkot ko, pero sa sitwasyon ko ngayon, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang litratong 'yon. Sa tuwing iniisip ko na mapapawalang-bisa ang kasal namin, parang binabaon ako ng buhay.

Iniikot ko ang swivel chair at humarap sa glasswall. Malungkot at tila wala sa sarili na tumitig ako sa kawalan.

Ilang araw na ang lumilipas pagkatapos ng nangyari ng gabing 'yon. Simula non, maaga na 'kong gumigising para lamang tingnan ang kwarto ni Allison, natatakot kasi ako na baka magising na lang ako na wala na pala siya sa mansion. Oras-oras akong tumatawag sa bahay para tiyakin kung nakauwi na ba siya, baka kasi iwan niya na lang ako ng hindi ko alam. Bagay na hindi ko kayang mangyari.

Kung pwede lang sana itali ko na lang siya at ikulong para hindi na 'ko nag-aalala na iwan niya 'ko, gagawin ko. But was a too selfish way.

Tanging ang diyos lang ang nakakaalam kung gano ako nagsisisi sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa asawa ko. Miss na miss ko na siya. Sobra.

Agad na bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng office ko. Mabilis na napalingon ako roon. Nakita ko na sunud-sunod na pumasok ang limang 'yon sa loob ng opisina ko. Hindi ko inaasahan ang pagdating nila kaya't mabilis akong yumuko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko habang ibinabalik ang frame sa ibabaw ng lamesa.

"Nakow, malulugi kompanya natin nyan, agang-aga nagmumukmok ang CEO." kunwa'y masayang bati ni Ethan, alam kong pinipilit lang niyang pasayahin ang paligid.

"Dude." pilit ang ngiting bati sakin nina Migz at Janus habang hinahagod ang likod ko.


"Tristan, leggo. Sumama ka muna samin. Bonding naman tayong lahat. Kahit ngayon lang.... we just want you to be happy." nanunuyong saad ni Ailee.

Haaay,hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatawag na kuya gayung anim na taon ang tanda ko sa kanya.


"Tara pagtulungan na natin." seryosong sabi ni Jhay at maya-maya pa'y lumapit silang lahat sakin lahat. Ishinut-down ni Migz ang computer, tinanggal ni Janus ang mga plug, at pagkatapos ay pinilit nila akong itayo, namimilit.

"Tara na pare! Kapag ako nainip, bubuhatin kita dyan." patawang warning ni Migz at pagkatapos ay sabay-sabay silang nagtawanan.

Sincere smile was form on my lips.

Alam kong alam na nila ang nangyari saming mag-asawa, at hindi rin lingid sa kaalaman ko na nandito silang lahat para damayan at pasayahin ako.

Kahit wala sa mood ay tumayo na rin ako dahil sa pamimilit ng mga kaibigan ko, ang mga totoo kong kaibigan.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon