Chapter 21

167K 2.2K 926
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Lumipas ang isang linggo, kasabay ng nangyaring aksidente kay Ellaine ay siya ring biglang pagbabago sakin ni Tristan. Ramdam ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng araw na 'yun. Ang dating malalambing na yakap niya sa akin bago matulog ay animo'y isang panaginip na lamang ngayon, ang kilitian at masasayang tawanan namin sa tuwing sabay kaming magigising sa umaga ay tila hamog na biglang naglaho sa liwanag.

Ang masakit pa dito pagkalabas ni Ellaine sa hospital ay dito na nito halos inalaan lahat ng oras niya ,naroong lagi siyang nasa silid nito upang bantayan ito magdamag,siya rin ang nagsusubo dito sa tuwing hindi ito makakain ng ayos. Lagi silang magkasama na dalawa.Kahit na alam na naming pareho na ok na si Ellaine ay lagi pa rin siyang nakadikit dito. Minsan, lagi ko silang naaabutang nagtatawanan na para bang sila lang ang tao sa mundo.

Ang hirap sabihin pero,bumabalik na ulit si Tristan sa dati.

Bihira na lang siyang magtext sakin.Kapag naman tumatawag ako, hindi niya sinasagot.Napapansin ko rin na lagi na siyang ginagabi ng uwi. Ang masaklap pa, kasama niya si Ellaine.

Sa madaling salita,nawawalan na ng buhay at kulay ang pagsasama naming dalawa. Nagsisimula na namang bumalik ang lahat sa dati.

And that breaks my heart into a million pieces.

"Hey,hey Allison, stop that. Marami ka ng naiinom."

Bumalik sa kasalukuyan ang tulala kong diwa nang agawin sakin ni Cassie ang hawak-hawak kong baso ng alak. Pupungay-pungay na tumingin ako sa katabi ko na noo'y halata na sa mukha ang pagkairita.

"Hayaan mo muna ko Cassie. Gusto ko lang magpakalasing, kahit ngayong gabi lang."

pagmamakaawa ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa loob ng bar na madalas naming puntahan na dalawa. Nakapuwesto kami sa may bar counter at napapansin ko ring ako lang ang umiinom mag-isa. Ngayon ko lang din napansin na hanay-hanay na pala ang mga wala ng lamang bote ng alak sa harap ko. Hindi ako makapaniwalang nainom ko lahat ng 'yon.

"Anong ngayong gabi lang 'yang pinagsasasabi mo? Haler! Allison,kagabi ka pa kaya nag-iinom?" sermon niya.

Oo nga pala, niyaya ko nga rin pala siyang mag-inom kagabi. Para na 'kong tanga, 'yung mga ilang bagay nakakalimutan ko na dahil sa pag-iisip ng solusyon para maisalba ko pa ang relasyon naming mag-asawa.

Iiling-iling na napangiti ako na parang isang baliw, maya-maya pa'y tumungo ako. My fake smile turn into a fake laugh. Tumawa ako ng tumawa ng walang dahilan.

"B-Bakit ka natawa? Naka! Lasing ka na talaga. Hoy Allison, 'wag mong sabihin na ako na naman ang maghahatid sayo pauwi? Sinukahan mo na nga 'ko kagabi eh! Ah wait, itetext ko na lang ang asawa mo para sunduin ka dito, ikaw talaga baka nag-aalala na 'yun sayo, baka hinahanap ka na non, baka------"

Then, my fake laugh turn into a soundless cry.Nang hindi ko na nakayanan pa ang bigat ng nararamdaman ko ay napahagulhol na lang ako sa ilalim ng mga palad ko.

"A-Allison? Wait, why are you crying? Hey Allison? Ano bang nangyayari sayo? Allison naman eh." pinaghalong pag-aalala at paiyak na tono ni Cassie kasabay ng biglang pagyakap niya sa akin.

Hindi ko na kayang itago sa lahat ang nararamdaman kong 'to, ayoko ng pahulain sila sa totoong nararamdaman ko lalong lalo na kay Cassie dahil siya na lang ang tanging taong masasandalan ko ngayon. Kahit ngayon lang, gusto kong ilabas 'to sa iba. Niyakap ko ng mahigpit si Cassie para magsilbing suporta sa pagbuhos na namang muli ng emosyon ko.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon