Chapter 28

134K 1.9K 739
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa pagpigil ng emosyon na nangingibabaw sa puso ko. Wala akong maisip na dahilan upang hindi umiyak. Sinabayan pa ng pagbabago ng itsura ng mga kasama namin. May nalulungkot, may nag-aalala, may nasasaktan at may gusto ring maki-iyak na para bang nadadala lang sa pinapanood na drama.

"I'm sorry Allison. I'm sorry for being insensitive that I didn't know I hurt you that much. Please give me a chance to explain everything."

mapagkumbaba at puno ng pagmamakaawa ang mga mata niya habang sincere na nakatitig siya sa mga mata ko.

Hindi ako umiimik. Kahit patuloy ang pagbagsak ng luha sa pisngi ko ay pinipilit ko pa ring patigasin ang itsura ko. Ayokong bigyan siya ng ni katiting na pag-asa para patawarin ko siya.

"Stop." warning ko sa kanya.

"Allison please, let's talk."

"DIDNT YOU HEAR ME? I SAID STOP!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako, halos umecho ang boses ko sa paligid. Nanlaki ang mga mata ng lahat dahil sa pagkabigla,nagpapanic na ang mga itsura nila.Nababahala siguro sila na baka maibato ko ang bote dahil sa sobrang galit.

"Excuse me." paalam ko sa lahat saka nagmadali na akong tumayo at walang lingong naglakad na paalis. Natatakot ako na kapag hindi pa ako umalis ay baka muli na namang lumambot ang puso ko't magawa ko na naman siyang patawarin. Bagay na kailanman ay hindi ko na gugustuhing mangyari pa.

Habang lakad-takbo akong lumalayo ay nakarinig ako ng pag-move ng metal na silya, indikasyon na may tumayo para siguro sundan ako. Nasundan pa 'yon ng dalawang magkasabay na tunog ng pag-isod ng upuan.

"Yohan, Ellaine, hayaan niyo na muna sila." huling narinig kong sinabi ni Jhay bago ako tuluyang nakalayo.

Ngayon, alam ko na kung sino ang sumunod sakin kung kaya't lalo kong binilisan ang paglalakad ko kahit pa alam kong imposibleng hindi niya ako maabutan.

"Allison, wait. Stop. Let's talk!" Sa wakas nagsalita na rin siya. Hinintay niya sigurong parehas kaming makaakyat sa third floor bago niya ako kausapin, ayaw niya sigurong kunin ang atensyon ng mga katulong sa baba.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, buo ang loob ko na hindi siya lingunin. Nang makarating ako sa tapat ng silid ko ay agad ko 'yung binuksan at mabilis na pumasok doon. Isasara ko na sana ngunit naunahan ako ni Tristan. Ano ba namang laban ng isang mahinang babae na makipagtulakan ng pinto sa isang matipunong kagaya ni Tristan.

"Get out! Ano ba! Umalis ka dito sabi! Get out!" irit ko. Nagbabakasakaling umalis siya kapag sumigaw ako at syempre alam kong hindi niya iyon gagawin. At gaya ng inaasahan ko, mabilis niyang naitulak ang pinto at nagtagumpay siyang makapasok sa loob. Maingay na isinarado niya ang pintuan. Ngayon,nakulong kaming dalawa sa loob ng silid ko.

Tumataas ang dibdib ko dahil sa pinaghalong hapo, galit at pagpigil sa lukso ng puso para puntahan siya at yakapin. Hindi ko man aminin ngunit gustong-gusto ko siyang lapitan ngayon at angkinin ang kanyang mga labi. God knows how I missed this man.

At bago pa man ako pagtaksilan ng katawan ko ay agad na kong tumalikod upang tumakbo papunta sa bathroom para doon magtago ngunit wala pa akong ginagawang hakbang ay nahigit na niyang bigla ang braso ko. Sapilitan niya akong isinandal sa pader habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko. Puno ng pagsusumamo ang tingin na ipinukol niya sa akin.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon