Chapter 18 (Part 1)

181K 1.4K 143
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Halos maibato ko na ang hawak kong cellphone dala ng pinaghalong pagka-irita, pagka-inis at pag-aalala. Hindi pa rin kasi umuuwi si Tristan gayung pasado alas-otso na ng gabi. Ang sinabi sakin ni Manang, sinabi raw sa kanya ni Ellaine na maaga pa lang daw ay umalis na sa opisina si Tristan kasama ang mga kaibigan nito. Tinawagan ko na silang lahat ang kaso kung hindi patay ay hindi naman nila sinasagot ang mga cellphone nila.

San ba kasi sila nagpunta! Anong ginagawa nila!


Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla iyong mag-ring. Rumehistro sa screen ang pangalan ni Ailee kaya't agad ko iyong sinagot.


"Hello Ailee?" bungad na sagot ko sa kabilang linya.


"Ate Allison!"

Bigla akong kinabahan. Base kasi sa tono ng pagkakasigaw ni Ailee ay parang may hindi magandang nangyari.


"B-Bakit?" ninenerbiyos na tanong ko.


"S-Sila Tristan! Narinig ko sila kanina! Ate Allison, puntahan mo sila! Bubugbugin nila si Jed!"


"ANO!"

Halos paliparin ko na ang kotse ko dahil sa sobrang pagmamadali, pwede na nga kong kasuhan ng overspeeding dahil sa tulin ng pagpapatakbo ko. Naririnig ko rin ang sunud-sunod na busina ng mga sasakyan na wari'y sinisigawan ako na mag-ingat dahil sa sunud-sunod na ginagawa kong pag-oovertake. Hindi ko sila pinapansin, ang alam ko lang ay kailangan kong magmadali para makarating agad sa eksaktong lugar na sinabi sakin ni Ailee kung saan naroon sina Tristan.

Wala pang kalahating oras ay nakarating na din ako sa aking destinasyon.Pagkababa ko ay pinagmasdan kong mabuti ang gusaling nasa harapan. Isa iyong abandonadong paaralan na base sa itsura ay mukang matagal ng pinaglipasan ng panahon.


Lakad-takbo akong pumasok doon ngunit pagkapasok ko pa lang sa bukana ay hinarang na agad ako ng mga hindi pamilyar na mga lalaki. At dahil nakakapanood din naman ako minsan ng mga action movies ay alam kong sila ang mga tauhang binayaran nila Tristan para ipadukot si Jed. Eh bakit ang dami nila?


"Mam, hindi po kayo pwedeng pumasok." pigil ng isa na kahit nasa anyo ang pagka-matured ay naron pa rin ang pagiging magalang.

"At sinong may sabing bawal akong pumasok!" naiiyamot na sagot ko.

"Sorry po Mam, pero 'yun po ang utos samin ni Sir Tristan."

Malakas na napabuga ako ng hangin sa itaas.


"Kilala mo ba 'ko? Ako lang naman ang asawa ng magaling mong amo, at kung hindi ka pa aalis dyan sa daraanan ko baka mapag-untog ko ang mga ulo niyong dalawa ng asawa ko!" banta ko sa kanya.

Ganto talaga ako kapag nagagalit, 'yung mga bagay na hindi ko naman kayang gawin nasasabi ko na lang. Napayuko ang mga nasa harap ko nang siguro'y mapagtanto nilang wala na silang magagawa, kung kaya't ginamit ko ang pagkakataon na 'yon upang dumaan.


Papaliko pa lang ako sa isang hallway ng makarinig ako ng sumisigaw, ramdam ko ang pagka-poot sa kanyang tinig, sa tanan ng buhay ko ay ngayon ko lang siyang narinig na sumigaw ng ganun na para bang kaya niyang pumatay ng tao. Nagdalawang-isip tuloy ako kung hahakbang pa ba ako para tumuloy o aalis na lang at hintayin sa bahay si Tristan.Ayoko kasing makita ang itsura niya ngayon, parang natatakot na 'ko.

Huminga muna ako ng malalim at saka nagdesisyon. Sige.Bahala na.


Mabigat ang mga paang naglakad ako patungo roon. Mula sa pinto ng isang malaking silid, ay nakita ko ang nakakapanlambot na eksenang tumambad sa harap ko. Mabilis kong natakpan ang mga bibig ko para hindi maka-sigaw dahil sa pagkatakot.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon