Chapter 8

235K 2.2K 516
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

 -------Unedited and unrevised Version-----------

"Hoy Tristan! Ano ba?! Alam mo ba kung anong oras na? Magdamag ka na lang ba dyang makikipag-daldalan? Hindi na tayo matutulog?" nakataas ang kilay na sermon ko habang nakapamewang sa kanya.

Kasalakuyan akong nasa pool area at sinusundo si Tristan na simula't sapol ng dumating si Ellaine ay 'di na tumigil sa pakikipagkwentuhan. Simula pagkaon namin sa kanya hanggang sa pagkain ng hapunan kanina, daldalan sila ng daldalan about sa naging business experience ni Ellaine sa Davao. Feeling ko nga na-a-out-of-place na ko sa kanila eh. Halos hindi na nga 'ko kausapin ng ayos ni Tristan dahil sa babaeng 'yun. And the worst is akala ko matutulog na siya kaya siya naligo kanina, akala ko matutulog na kami, 'yun pala may continuation pa 'yung kwentuhan nilang dalawa.

Para tuloy silang isang taon na hindi nagkita! OA na huh. Naiinis na talaga 'ko!

Naudlot ang pagkukuwentuhan nilang dalawa ng marinig nila ang sigaw kong 'yon na halos umecho sa buong area. Sabay silang napalingon sakin.

   

Alam kong sanay na ang lahat ng tao sa buong mansion na marinig ang sigaw ko lalo na't galit ako kaya naman malaya akong nakakasigaw dito kahit anong oras ko pa gustuhin.

Napawi ang mga ngiti sa kanilang mga labi na kanina lang eh halos umabot na sa mga tenga nila dahil sa sobrang lapad, mukang masaya talaga sila sa isa't-isa. Nakita ko kung pano napahilot si Tristan sa kanyang noo, para bang ipinapamukha niya na sakit talaga ako sa ulo.

"A-Allison,gabi na, marami ng natutulog."

Hindi ko alam kung pinapaalalahan niya ba 'ko o sinesermunan,pero ang alam ko lang wala siyang karapatan lalo na't ako na ngayon ang daughter-in-law ng may-ari ng mansion na 'to. Ang kapal ng mukha ng palakang kokak na Ellaine na 'to na pagsabihan ako,eh siya nga 'tong nangingibabaw ang boses kanina pag-karating ko!

Malakas na napabuga ako ng hangin sa taas dahil sa inis.

"Allison,I send you a message a while ago, and I said you can already go to bed and sleep and I will come there later."

kalmadong saad ni Tristan pero base sa kanyang anyo ay alam kong galit siya.

Pakiramdam ko nagsi-akyatan lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa pagka-imbyerna at sobrang pagka-bwisit. Ang akala ko kapag sinundo ko siya ngayon, sasama siya sakin,sa asawa niya pero hindi pala. Parang gusto niya pang ipangalandakan na mas importante si Ellaine kaysa sakin. At dahil sa masakit na kaisipang 'yon ay hindi ko na naman napigilan ang emosyon ko at napasigaw na naman ako.

"Matutulog ka sa tabi ko o matutulog ka sa ibang kwarto?!" panakot ko sa kanya.

Nakita ko kung pano lalong dumilim ang anyo ni Tristan, tiningnan niya ko na para bang isa siyang mabagsik na leon na handa ng manunggab. Kumuyom ang kanyang mga kamao.

Di ba dapat ako ang magalit sa kanya? Dahil gabing-gabi na nakikipag-daldalan pa siya sa ibang babae at dito pa mismo sa loob ng bahay! Baka nakakalimutan niya, may asawa na siyang tao.

Napayuko si Ellaine, alam niya rin siguro na nagtitimpi lang si Tristan.

   

Kasalanan niya 'to eh! Gabing-gabi na dinadaldal niya pa asawa ko!

Tumingin lang si Tristan kay Ellaine habang pinipilit niya na ngumiti at pakalmahin ang kanyang sarili.

"Ellaine, I'm sorry but I have to go. Thanks for the time, matulog ka na." paalam ni Tristan at pagkatapos ay walang sabing bigla na lang niyang hinawakan ang kaliwang wrist ko at hinila niya ko paalis 'don. Ang lalaki ng ginagawa niyang mga hakbang, halos makaladkad ako.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon