Chapter 29

2.4K 177 3
                                    

"I WANT you to make it up with Miss Frando." Kausap ni Zaldy kay Maeris. Sa mga sandaling iyon ay naroroon silang dalawa sa hallway malapit sa balkonahe sa tapat lang ng classroom ni Maeris. Habang oras ng klase ay dumaan si Zaldy sa classroom na kasalukuyang tinuturuan ni Maeris upang makausap. Nag-iwan muna ng seat work si Maeris sa mga estudyante nito. Sinabihan din nito ang class president na bantayan muna ang buong klase.

"Ako? Makikipagbati?" Bakas sa boses ni Maeris ang kalituhan sa tinig na tila ba hindi nito naibigan ang ganoong ideyang naisip ni Zaldy.

Matapos paalisin noon ni Zaldy sa kanyang opisina si Janeth ay batid na rin ng binata kung sino ang nagsasabi ng katotohanan. Iyon ang dahilan kung bakit pinaiwan niya si Maeris sa kanyang opisina upang makausap nang masinsinan ang dalaga.

"Look, Miss Peñaranda, I don't want to sound a bad guy here and I do not take sides. However, I know that Miss Frando is telling the truth." Mahinahong kausap ni Zaldy kay Maeris.

"I am the one who's telling the truth here, Mr. Imperial. Miss Frando stole my student's money. You need to teach her a lesson. Kung mananatili siya sa school na ito ay maaaring ulitin pa ng babaeng 'yon ang mali niyang gawain." Nagpupumilit na paghikayat pa ni Maeris kay Zaldy.

"I just want you to be honest with me, Miss Peñaranda. Alam kong alam mo na meron kang nalalaman sa iskandalong kinasangkutan noon ni Miss Frando. Mr. Tuazon confessed to me everything before I kicked him out here in my school. Pinalagpas ko 'yon dahil gusto kong bigyan ka pa ng pagkakataon na makipag-ayos kay Miss Frando. Pero inulit mo na naman ang kamaliang iyon at ngayon, nadungisan uli ang pangalan ni Miss Frando bilang isang guro. Kung hindi ka sa akin magsasabi ng totoo, hindi na ako magdadalawang-isip na patalsikin ka rito sa school at tawagan ang kaibigan kong abogado na sampahan ka ng kaso. Makikipagtulungan din ako sa Professional Regulation Commission para tanggalan ka ng lisensiya bilang guro." Mariing pagbabanta ni Zaldy laban kay Maeris.

Kaagad namang bumalatay sa magandang mukha ni Maeris ang kaba at takot matapos marinig ang bantang iyon ni Zaldy.

"M-Mr. Imperial . . . please 'wag mo naman pong gawin sa akin 'yon. Ayokong mawalan ng trabaho. Inaamin ko nang ako ang may kasalanan ng lahat. I'm sorry. I am really sorry." Malungkot na pagmamakaawa at paghingi ng paumanhin ni Maeris na sa mga sandaling iyon ay nanunubig na ang mga mata.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zaldy. "I will consider this incident as your second warning, Miss Peñaranda. I hope you learn your lesson and how heavy the consequences you've made. Like Miss Frando, you are one of the most outstanding teachers here in SAHS. Maraming humahangang estudyante sa 'yo sa paraan kung paano ka magturo. Nakapanghihinayang kung patatalsikin ko ang isang mahusay na gurong kagaya mo. Alam ko namang hindi ka ganoong kasama unlike Mr. Tuazon na matagal nang may masamang binabalak kay Miss Frando na higit pang naengganyo ang sira ulong 'yon nang hingiin mo ang tulong niya."

"M-Maraming salamat, Sir." Pasasalamat ni Maeris habang pinupunasan ng panyo ang nanunubig na mga mata.

"You're welcome. But, I still want you to do the right thing." Mula sa kinauupuan ay tumayo si Zaldy upang tunguhin ang pinto ng kanyang opisina at buksan iyon.

Tumayo na rin si Maeris mula sa kinauupuang silya upang tunguhin ang puwesto ni Zaldy. "What do you want me to do, Sir?"

"Talk and apologize personally to Miss Frando. And when I say talk, no more spitting fire of words. Ayoko nang maulit ang nangyaring gulo kanina sa canteen. Nagkakaintidihan ba tayo, Miss Peñaranda?" Paniniyak pa ni Zaldy.

"Yes, Sir. I will." Ngunit bakas sa mukha ni Maeris na labag sa loob na sabihin iyon.

"I think, you can now take your early out and rest yourself for a while. I won't allow you to face your students with your messy look." Tukoy ni Zaldy sa nagulong buhok at uniporme ni Maeris.

State of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon