Chapter 06

2.3K 212 15
                                    

"PAGABI na pala." Puna ni Janeth nang mapatingala siya at makita ang pinaghalong kulay kahel at bughaw sa kalangitan. "So, paano ba 'yan? Maghihiwalay na tayo ng mga landas." Sabi pa niya nang makalabas na siya kasama sina Apple at Arlyn sa loob ng mall.

Nang matapos ang kanilang klase ng araw na iyon ay nagyaya sina Apple at Arlyn na pumunta muna sa mall dahil may bibilihin daw ang dalawa. Kaya naisip ni Janeth na sumama na lang din sa mga kaibigan niya. Si Janeth naman ay pa-window-window shopping lang. Wala kasi siyang matipuhan na gustong bilihin kaya nagtiyaga na lang siya sa window. Kornicles!

"Oy . . ." narinig ni Janeth na wika ni Apple. "Akala ko ba bibili ka pa ng thank you gift para kay Zaldy mo?"

"'Wag na muna. Bukas na lang ako bibili. Wala namang pasok bukas kaya mahaba-haba pa ang araw na makapag-iisip ako nang mas magandang thank you gift na magugustuhan ni Sir. Gusto ko sana 'yong magiging memorable ang gift ko sa kanya para hindi na niya ako makalimutan pa hanggang sa pagtulog niya." Nangangarap pa na sabi ni Janeth.

Nang magising kanina si Janeth ay wala na si Zaldy sa loob ng kanilang faculty at ang pagmumukha na agad ng dalawa niyang kaibigan ang kanyang nabungaran. Kinilig din si Janeth nang ikuwento sa kanya ni Apple na binantayan daw siya ni Zaldy habang natutulog. Saka lang daw umalis ang binata nang magdatingan na ang iba pa nilang kapuwa guro sa loob ng faculty.

Iyon ang dahilan kung bakit naisipan ni Janeth na bigyan ng thank you gift si Zaldy para sa pagbabantay na ginawa sa kanya kanina maging sa ibinigay nitong pagkain kaninang umaga. Kaso next time na lang siya bibili dahil wala pa siyang naiisip na puwede niyang gawing thank you gift para sa butihin nilang Principal.

"Naku, baka bangungutin pa Sir kung ikaw ang mapanaginipan niya." Tatawa-tawang komento naman ni Arlyn.

"Matapilok ka sanang bruha ka!" Naiinis na sabi ni Janeth dahilan upang lalo pa siyang tawanan ni Arlyn.

Hindi naman nagtagal ay huminto silang tatlo sa gilid ng kalsada upang doon maghintay ng mga jeep. Pinara nina Apple at Arlyn ang jeep na patungong Cainta.

"Sige, Janeth, una na kami sa 'yo. Ingat ka, ha?" Kumaway pa si Apple sa kanyang direksyon.

"Text-text na lang tayo sa tropa mamaya." Nag-thumbs up kay Janeth si Arlyn bago tuluyang makapasok sa loob ng jeep.

Naiwan naman si Janeth sa kanyang kinatatayuan. Ilang jeep na ang nakalagpas pero wala pa rin siyang matiyambahang jeep na patungong San Joaquin. Inabot na rin siya ng dilim. Tuwing sasapit ang alas siete ng gabi ay naglipana pa naman sa lugar na iyon ang mga magnanakaw at mga snatcher.

Sa katunayan ay kaunting pera lang ang dala-dala ni Janeth at sakto lang iyon pambili ng mauulam nila mamaya. Wala namang mapapala ang mga masasamang loob sa kanya dahil puro mga larawan lang ni Zaldy ang laman ng kanyang bag. Tinuturing kasi ni Janeth na isang lucky charm ang mga larawan ni Zaldy─

"Holdap 'to. Akina pera mo. Bilis!"

Pambihira naman, oo! Wrong timing naman mangholdap si manong! "Naku manong, wala akong pera, eh. Iba na lang ang po ang holdapin mo."

May kung anong matulis na bagay ang tumutok sa tagiliran ni Janeth. Kaagad siyang dinagsa ng kaba at takot.

"Ano? Ibibigay mo ba o hindi?" Umangat ang kamay ng lalaki saka itinutok sa kanyang pisngi ang kutsilyo.

"M-Manong . . . madadaan naman natin ito sa demokratikong usapan. M-Magkano po ba ang gusto mo? Isang daang piso lang ang meron sa akin ngayon, eh."

"Pinaglololoko mo ba ako, Miss?" Kunot-noong tanong sa kanya ng lalaki.

State of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon