Chapter 02

3K 226 34
                                    

PAGBABA ni Janeth sa pampasaherong jeep ay agad niyang tinungo ang puwesto ng waiting shed kung saan naghihintay ng mga taxi. Medyo malayo-layo kasi ang St. Archangel High School mula sa kanilang tirahan. Kailangang sumakay pa siya ng jeep para marating ang sunod na sakayan ng UV Express diretso patungo sa paaralang kanyang pinapasukan.

Buong akala nga ni Janeth ay makabibiyahe siya kanina nang maaga. Pero nagkamali siya dahil kahit gaano pa siya kaaga umalis sa kanilang bahay ay sumalubong na sa kanya ang napakahabang pila ng mga pasahero habang pinupuno ng mga tsuper ang kani-kanilang jeep at sinabayan pa ng pisting traffic!

Kailangan tuloy niyang doblehin ang kanyang kilos sa pagmamadali. Lunes pa naman ngayon. Kaya hindi siya maaaring ma-late dahil pagsapit kasi ng alas siete ay nagsisimula nang magbigay ng speech ang kanilang Principal tungkol sa improvements na nangyayari sa kanilang paaralan. Mga paalala kung kailan may pasok o wala, kung may seminars ba ang mga guro na kailangang daluhan, at kung kailan may pagpupulong ang mga guro sa Principal.

Iyon lang kasi ang pagkakataon na maaari niyang masilayan ang kanilang Principal dahil pagkatapos ng mga announcement ay nagkukulong na ang binata sa loob ng opisina. Maya't maya rin ang sulyap ni Janeth sa kanyang relong pambisig. Lalo pang nalukot ang maganda niyang mukha nang makitang limang minuto na lang ay mag-a-alas siete na! Shet talaga!

Kapag hindi niya binilisan ang pagkilos ay hindi na niya makikita ang kanyang sinisinta! Kapag natapos na kasi ang kanilang Principal sa speech sa mga mag-aaral ay buong araw nang nagkukulong ang binata sa loob opisina.

"Kung bakit ba naman kasi palaging traffic sa Pilipinas!" Naiinis na sambit ni Janeth sa kanyang sarili.

Lahat ng mga tao sa kanyang paligid ay nakasakay na sa bawat UV. Pero siya, ni hindi man lang makasingit-singit dahil lagi-lagi siyang nauunahan. Minsan ay binabangga-bangga pa si Janeth ng ibang pasahero maunahan lang siya papasok sa loob ng UV. Hindi niya masisisi ang mga pasahero dahil pare-pareho lang silang mga nagmamadali at dahil mabait siya simula pa noong fetus pa ay siya na lang ang umunawa sa mga tao. Oo! Palagi na lang siya ang nagpaparaya! Char! Haha!

Hanggang sa wala nang natatanaw na UV na paparating ay bumigay na ang puso ni Janeth. Wala na. Hindi na niya maaabutan pa ang asawa niya kuno. Hindi na rin kasi siya nagtangkang pumasok sa isang fast food para mag-almusal gaya ng habilin ng kanyang ina dahil nakita niya kanina ang mahaba ang pila sa paradahan ng mga jeep. Kaya no choice si Janeth kundi pumila na lang.

"Ang malas ko naman . . ." mahinang usal ni Janeth sa kanyang sarili habang nag-aabang pa rin kung may daraan na UV sa kanyang puwesto.

Mayamaya ay may isang magandang itim na kotse ang huminto sa tapat ni Janeth. Kaagad namang bumaba ang tinted glass window niyon at bumungad kay Janeth ang mukha ng manong driver sa kotse.

"Ma'am, sumakay na po kayo. Baka ma-late ka patungo sa school." Magiliw na alok sa kanya ng driver.

"N-Naku, manong, salamat po sa alok mo pero hindi po ako sasakay." Magalang na pagtanggi ni Janeth sa driver.

Saka lumipas na ang limang minuto, kaya wala na ring silbi para magmadali dahil late na rin siya sa pagpasok. Tapos na ang kanyang maliligayang araw! Maaagaw na sa kanya ang Most Punctual Teacher at mapapatalsik na siya sa kanyang trono!

"Huwag kang mag-alala, Ma'am. Libre naman ito at walang bayad."

"Naku, 'wag na po, manong." Tanggi pa uli ni Janeth. "Mahirap po ang buhay ngayon. Alam ko po kung paanong pagsasakripisyo ang ginagawa ninyong mga driver para kumita ng pera. Kaya unfair naman po iyon sa inyo kung hindi ako magbabayad."

"Okay lang 'yon, Ma'am. Nakaugalian na kasi ng amo ko na magpalibre ng sakay sa unang taong mahihintuan nitong kotse. Saka kung maghihintay ka pa ng UV dito baka hindi ka na umabot sa unang klase mo, Ma'am."

State of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon