Kabanata 7

15.9K 471 14
                                    

Ilang beses kong kinurot kurot ang aking mga daliri habang naka sakay pa rin sa aming sasakyan. May thirty minutes nang naka lipas simula ng mag umpisa ang prom. Naabutan ko pa silang nag march papasok ng venue hall. I'm nervous.

"Ma'am Yummy, gusto niyo po bang ihatid ko kayo sa loob?" Tanong ng aming driver

Umiling ako, "Hindi na po kuya. Sorry po, kinakabahan po kasi akong pumunta."

Lumingon siya sa akin, "Alam mo ma'am Yummy, wala ka dapat ika-kaba. Kayo po ang pinaka maganda sa kanila. Maniwala po kayo."

Napa ngiti ako, "Talaga po ba?"

Tumango siya, "Hindi na po tanong 'yan. Napaka ganda niyo po talaga. Walang halong biro."

Huminga ako ng malalim. Naririnig ko na ang ingay mula sa pinagdadausan ng prom. Isang beses akong lumingon sa aking driver.

"Sige po. Bababa na po ako. Maraming salamat po." Saad ko

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko. Ito yung gown na ibinigay ni Sage sa akin. Kulay white gold iyon na off shoulder. Sa likod ay backless na may tali. Ang aking buhok ay ikinulot at inayos at itinaas na mayroong kaunting nahuhulug hulog.

Humugot ako ng malalim na hinga bago binuksan ang double doors. Bumungad sa akin ang malakas ngunit malumanay na kanta at madilim pero romantic na mga ilaw. Nang mapansing lahat ay parang naka tingin sa aking direksyon ay mabilis na nag init ang aking pisngi dahilan para mapa yuko ako. Humigpit ang hawak ko sa puting rosas na hawak hawak ko.

"OMG! Yummy!" Narinig kong sigaw ni Patty di kalayuan sa akin.

Umangat ang tingin ko at nakita ko siyang patakbo sa akin habang malaki ang ngiti. Ang kanyang suot ay simpleng kulay pula na tube na hapit na hapit sa kanyang katawan. Ang buhok niya ay katulad ng ayos ng sa akin. Yinakap niya ako ng isang mahigpit na yakap. I hugged her back.

"Ang ganda ganda mo!" Nag niningning ang kanyang mga mata habang tinitignan ako.

"Thank you. Ang ganda mo din!" Sabi ko.

Nilingon ko ang nasa likod niya. Si Kier. Ngumisi sa akin si Kier bago bumati.

Hinila niya ako papunta sa table nila and on the way there, it was surprising that they are all greeting me nicely and complimenting me. Kier helped me sit since it was hard to sit with this gown I'm wearing after that he helped Patty and sat beside her. Patty kept on asking me how did I come here. If I sneak out or what so, I told her everything that had happened. She was giving me different emotions like she's telling me that my life sucks and then she'll be very happy that my mother let me go.

"You should have seen Calyx earlier!" Ani Patty while we were eating

"Why?" Kunut noong tanong ko.

I didn't see him habang nag mamarch ang lahat ng estudyante papasok. Hindi ko naman alam kung andito nga ba siya o wala.

"He walked alone. Pero okay lang, he was dashing with his white suit naman. Very handsome as ever." Kwento ni Patty

"Bakit mag isa? Wala ba siyang partner? Girlfriend?" Tanong ko

Tumawa si Kier na nasa kabilang gilid ni Patty, "Matagal na siyang walang girlfriend, hindi mo alam? He's been single for last four months. Saka hindi ba't ikaw ang inaya niyang prom date niya?"

Kumagat ako ng pang ibabang labi ko, "Hindi ko alam."

"Oh! What's new? She's not Yuri Myenne if she knows everything." Ani Patty

Napa iling na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung compliment ba 'yung sinabi ni Patty o pang aasar but then I just brushed it off. Inilibot ko ang tingin sa buong venue. May ilang sumasayaw na at may ilan naman nasa kanilang mga table para kumain o di kaya'y para mag kwentuhan. I didn't see any Sage.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon