"Let's go out."
Aya ni Sky sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa aking unan bago siya tinalikuran.
"Ikaw na lang. I'm tired." Sagot ko
Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa likod ko. "Anong tired? Wala ka naman ginagawa, napagod ka."
Sinamaan ko siya nang tingin, "Nakakapagod kayang kumain at matulog at manood ng Snow White nang paulit ulit."
Tumawa siya, "Halika na kasi. Labas tayo. Ngayon lang ako nakalabas ng maaga sa office." Aniya
"Mag isa ka. Tinatamad ako. Saka..." Nilingon ko ang digital clock bago muling nahiga nang maayos, "Gabi na oh. 8pm na."
"Malamang gabi na. Alangan naman ayain kitang mag bar ng tanghaling tapat? Halika na." Gumalaw muli ang kama.
Impit akong napasigaw nang bigla niya akong buhatin at ipasok sa banyo saka tapatan ng shower.
"Damn you!" Sigaw ko sa kanya habang tawang tawa naman siya.
"Take a shower or kung gusto mo, ako mismo magpapaligo sayo." Tumatawang saad niya
Inirapan ko siya, "Che! Labas na!"
Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko saka lumabas nang banyo. Nang masigurong sarado na ang pintuan ay saka ako naghubad at nagpatuloy nang pagligo. Mabagal ang kilos nang pagaayos ko. Hindi naman na ako masyadong nag make up pa. Simpleng itim na mid-riff at ripped faded jeans ang isinuot ko saka ipinugong ang buhok ko sa isang messy bun. Kinuha ko ang cellphone ko at purse saka dumaretso sa baba.
Prenteng naka upo si Sky sa sofa habang kinakalikot ang cellphone niya. Dumaretso ako sa kusina para kausapin at paghabilinan ang katulong at nanny ni Phoebe saka kami umalis na. Bar hopping ang nangyari sa amin. Be it Revel, Valkyrie, Chaos at Royal. Sumaglit kami sa B-low at muling bumalik sa Valkyrie. Madaming kilala si Sky kaya naman medyo nagtatagal din kami dahil sa mga kausap niya at sa bawat club na pupuntahan namin ay hindi nawawala ang pag inom naming dalawa. Minsan shot lang dahil alok ng mga kaibigan niya, minsan naman ay talagang napapainom na kami.
"One! Two! Three!" Sabay sabay na sigawan sa kabilang table. Nang dumating kami dito sa Valkyrie ay talagang nagkakasiyahan na sila dyan kaya naman kahit mas maingay pa sila sa mismong club ay wala kaming magawa.
Nilingon ko si Sky na ngayon ay may kausap na namang babae na hindi ko na maalala ang pangalan. Bumalik ang tingin ko sa dance floor kung saan nag kakasiyahan ang karamihan. Well, this is Valkyrie I am talking about. Always full pack of the high-class, elite people. Inisang inuman ko ang Mojito saka dumaretso sa dance floor.
Noong nasa ibang bansa ako, clubbing is what I always do to forget. Nagpapakasaya sa loob ng club na para bang wala akong nararamdamang sakit sa kaloob looban ng puso ko. Na para bang wala akong amnesia. Like everything is fine with my life. Sky is always there for me. Kahit na boyfriend ko na noon si Jeff, si Sky pa rin ang madalas kong kasama or kaya si Kylie. Maybe, that's the reason why Jeff cheated on me. Very understandable. Hindi kasi katulad nang ibang babaeng basta basta na lang bibigay sa boyfriend nila.
And no, I never felt being in love with Jeff. Alam ko sa sarili ko noon na may kulang. I never felt the things I have felt with Sage. Walang spark. Walang kilig. Wala. Maybe because my heart knew whom she belongs in the first place. Sino nga ba kasing niloloko ko? I'm in love with Sage before I had an accident. Kahit na masakit para sa akin ang nangyari, my heart still belongs to him.
Ganoon naman talaga. Kung sino pa yung taong nananakit sayo, sila din yung taong alam mong magpapaligaya sayo. And even though I hate him now, hindi ko kailan man ginusto na may mangyari sa kanyang masama.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...