Isang malakas na sampal ang nagawa ko. I felt the sting of pain on my palm. Umawang ang bibig niya at nanlaki ang mata sa ginawa ko.
"How dare you!"
Dahan dahan ang pagtitig niya sa akin. Gulat ang bumalatay sa mukha niya na agad din naman napalitan nang emosyong halu-halo na hindi ko maintindihan.
"Ikaw pa ang may ganang umarte nang ganyan? You are getting married and yet you act like a jealous boyfriend! Pagbibintangan mo pa akong gusto si Jacob?" Pagak akong natawa.
Doble ang tibok nang puso ko dahil sa nararamdaman. Matalim ko siyang tinitigan nang hindi siya nagsalita. He licked his lower lip and it redden more.
"Jacob thought that I am your fiancee!" Singhal ko bago siya tinulak mula sa kanyang dibdib
"So?" Tanong niya na lalong nagpainis sa akin
"So? Are you on your mind? Hindi ako ang fiancee mo! Akala niya ako yon pero nang malaman niyang hindi ako ay pakiramdam ko nagiba ang tingin niya sa akin! Pakiramdam ko ang tingin niya sa akin ay isang kabit mo!"
Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang natutuwa pa siya sa kinaiinisan ko. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya sa inis nang makita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"I hate you!" Sigaw ko
Hinawakan niya ang dalawang kamay kong sumusuntok sa kanya, "You don't mean that." Aniya
"I do! I do mean that! I hate you! Pinagmumukha mo akong kabit mo! Mabuti pa uuwi na lang ako!" Pilit kong binawi ang kamay ko sa kanya pero hinila niya lang ako at yinakap nang mahigpit.
I stiffened to feel his warm embrace. Its been a long time since I felt this kind of security. Bakit ganoon? Kahit sobra ang galit at inis ko sa kanya ay natutunaw iyon nang simpleng yakap niya para sa akin.
"I get it. Nagagalit ka ba dahil pakiramdam mo kabit ka? O nagagalit ka dahil gusto mong ikaw ang fiancee ko?" Malambing ang pagkakasambit nang bawat salita niya ngunit lalo lang akong naiinis
Muli ay pumiglas ako para makawala sa kanyang yakap pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Napa hikbi ako. Masakit na nga sa akin na ikakasal siya sa iba, kailangan pa bang ipamukha na hindi ako iyon? Ibinaon niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. Napa hikbi ako sa sobrang inis at sakit na nararamdaman.
"I hate you." Bulong ko.
Kung ngayon pa lang na hindi pa siya ikinakasal, nasasaktan na ako ng sobra, paano pa kung hindi na talaga siya pwedeng maging akin ulit?
Hinawakan niya ang braso ko at iniyakap sa kanyang bewang, "I hate you, too." Sagot niya
Humigpit ang yakap ko sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya saka doon humagulgol ng iyak. I wanted to tell him everything. I want to confess how hurts it is. How my heart's bleeding now. Gusto kong isumbong at sabihin ang bawat sakit at pait na nararamdaman ko. Gusto kong humanap sa kanya nang kakampi.
Isang hampas ang ibinigay ko sa kanyang likod, "I hate you more."
He chuckled bago hinaplos ang buhok ko, "I hate you most."
Hindi kami natuloy sa water activities na plano ni Sage. Iniwanan niya akong magisa sa hotel kaninang umaga dahil kinailangan siya sa site, nagtanghalian akong magisa at bumalik sa hotel saka natulog. Nagising ako nang wala pa rin siya.
Kitang kita ang dagat mula sa hotel room namin, kaya naman nang hindi na gaanong mainit ay bumaba na ako at dumaretso sa tabing dagat para magikot ikot. Wala akong alam kung nasaan si Sage at kung babalakin ko naman siyang hanapin ay malabong mangyari dahil sa laki nang buong resort ay may posibilidad pang ako ang mawala at ako ang hanapin niya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...