Sa bawat araw na nagdadaan ay mas naririnig ko na ang usap usapan ng mga tao sa paligid. Its all about the Samaniego. Ang gulo lang dahil hindi ko mapagtagpi tagpi ang lahat.
Some say that the governor had an affair kaya umalis ang mother ni Sage. May dalawang anak sa labas daw ang governor. Ang iba naman ay sinasabing iniwan sila Sage at gov dahil sa politika. Ang iba ay dahil ang asawa ni Gov ay may ibang pamilya na kaya iniwanan sila.
Wala akong ma-pin point kung alin ang totoo sa hindi. Dahil na din sa pumutok na balita na may sakit na cancer ang nanay ni Sage.
Walang siguraduhan. Lahat ay sabi sabi lang. Pero kung talagang may anak sa labas si Gov. Hindi na naman nakaka gulat iyon, dahil mula kay Don Solomon Samaniego hanggang sa mga anak ay may mga anak din sa labas. Si Don Solomon ay may apat na anak at tatlong anak sa labas. Ang tito ni Sage, na panganay na anak ay may anak din sa labas.
"Kalat na kalat sa buong Regalla ang nangyayari sa pamilya nila Sage." Ani Shecarra habang nagpapaypay ng inihaw
"Ganun talaga. Tatakbo kasi ulit si Gov sa eleksyon kaya nauungkat na naman ang family history nila." Sagot ni Alanis
Sumandal ako sa lamesa at nanatiling tahimik habang pinapakinggan sila.
"Kung may anak nga sa labas si Gov, malaking issue yan. Pwedeng maka sira sa pagtakbo niya yun sa halalan." Ani Kier
"Kung ilalabas naman niya sa media ay pwedeng maka ganda din ng career niya." Ani Alanis
"Hindi din. Nasira ang pamilya ni Gov. Alam niyo naman dito sa Regalla, family-oriented ang mga tao dito." Ani Shecarra
"Kailan ba uuwi si Sage dito? Sa susunod na buwan na maguumpisa ang kampanya. Hindi ba siya tutulong?" Tanong ni Alanis sa akin
Nagkipit balikat ako, "Hindi ko alam. Walang sinasabi si Sage sa akin kung uuwi siya o hindi."
Nakatingin ang dalawa at ipinagkipit balikat na lang ang sinabi ko. Nagpatuloy na lang sila sa pag aayos ng mga kakainin. Habang ang mga lalaki naman ay naliligo pa rin sa talon.
Imbes na magisip pa ako ng kung anu ano ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipag kwentuhan sa kanila. Medyo matagal na din 'nong huli ko silang nakausap at nakasama ng ganito.
I spend my vacation days sa pag tulong sa kampanya. Namimigay lang naman ako ng flyers sa lahat with Alanis and Shecarra. It wasn't that hard kaya naman ayos lang sa akin since wala din naman akong pinagkakaabalahan.
Si Sage naman ay nasa Manila pa rin. Wala na silang pasok pero ang sabi niya sa akin ay kailangan niyang mag stay doon dahil sa grades niya. Hindi ko alam kung may problema siya sa grades niya na kailangan niyang habulin or what. Hindi na ako nagtanong pa dahil pakiramdam ko ay umiiwas lang siya sa kung kanina man.
"Yuri, alam na ba ni Sage ang tungkol sa pag alis natin? Next month na iyon." Ani mama isang gabi habang naghahapunan.
Hindi ko na maalala ang tungkol doon dahil mas naging abala ako sa ibang bagay. Pagkatapos ng eleksyon sa susunod na buwan ay deretso na ang alis namin. Nakapag impake na ang magulang ko at halos araw araw na nila akong pinapaalalahanan na mag handa na at mag ayos ng mga dadalin ngunit sa tuwing gagawin ko ay nawawalan ako ng gana.
Bakit ko kailangan umalis? My parents are okay. Do we still really have to go? Pwede naman atang sila na lang?
"Hindi pa po." Sagot ko
"Dapat ay sabihin mo na. Mas mabuti pang alam niya kesa aalis ka nang biglaan."
Iyon ang palaging sinasabi nila sa akin. Ang magpaalam kay Sage. Ngunit wala akong lakas para sabihin iyon sa kanya. Pinilit ko sila mama na dito na lang ako sa Pilipinas ngunit hindi sila pumayag. Gusto nila ay kasama ako kahit saang bansa sila pumunta. Siguro ay ganon talaga dahil unica hija ako at bunso pa sa pamilya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...