SNN Chapter 8

4.8K 223 10
                                    

Kleint POV:

Gabi na. Nasa University ako ngayon. Papunta ako ngayon sa locker ng mga babae dala ang chocolates, letter at kulay black na teddy bear, kaya black kase yun ang paborito niyang kulay. Ewan lang kung bakit Black ang favorite color niya. Alam kung kadalasan sa mga babae e pink ang favorite color.

Nasa tapat na ako ng locker niya at binuksan ko yung locker niya gamit ang duplicate key na pinasadya ko talaga. Di na ako naglalagay ng bulaklak kase alam ko namang binibigay o di kaya'y tinatapon niya lang yung bulaklak na nilalagay ko sa locker niya.

Pano ko nalaman? Oo. Pati sa bahay niya ay ini-stalk ko siya.

Matapos kong malagay sa locker niya yung dala ko ay ini-lock ko to ulit. Papalabas na ako ng Campus ng makasalubong ko yung Guard.

"Magandang gabi Sir! Uuwi na po kayo? Nga pala salamat sa pagkain Sir hehe!"

Tinango-an ko lang siya at sumakay na sa kotse ko.

Si Manong Guard lang ang nakakaalam na pumupunta ako dito pag gabi para mailagay yung mga regalo ko para kay Sheirra.

Sigh.

Gusto ko talaga siyang ligawan sa personal pero bawal.

May pangako pa akong dapat tuparin.

Pina andar ko na yung  kotse palayo.

**

"Ma naman sige na po~ bigyan mo na ako, male-late na ako oh! Tignan mo yung oras tumatakbo!" Tinuro ko yung orasan na nasa dingding.

Tinignan ni Mama yung relo.

"Tumatakbo ba? Parang di naman e. Baby girl pinagloloko mo ba ako? Kurt tumatakbo ba yung oras?"

"Darling hindi tumatakbo ang oras. Bigyan mo na kase yang anak mo at baka ma late pa yan." Sabi ni Daddy at hinug ako.

"Kakabigay ko lang ng allowance niya kahapon ah? Ano ka ba naman Sheng! Magtipid ka nga! Di kame tumatae ng pera kaya magtipid ka! Tong batang to. Umamin ka nga Sheng. Kinakain mo ba yung pera?"

Tinignan ako ng masama ni Mommy.

"Pa oh! Si Mama nagiging monster na naman! Di niya ata ako love."

Umaarte pa akong umiiyak.

"Darling? Di mo na love yung baby girl mo? Kawawa na siya oh! Umiiyak na. Pano nalang kung magutom yung baby naten sa school? Baka mahimatay siya dun. Gusto mo bang mamatay yungbaby girl naten?"

Napaubo ako.

Langya yung tatay ko. Mamatay agad?

Kinuha ni Mommy yung wallet niya at binigyan uli ako ng 5,000.

Yes! Mwehehehe ang bait talaga ng Mommy ko.

"O eto baby girl. Last na yan ha? Tipirin mo na yan. Next week pa kita bibigyan ulit."

Sabi ni Mommy at kiniss ako sa forehead.

"Thank you Mommy! Loveya! Bye! Aalis na ako. Late na po ako."

Tumakbo ako papunta sa kotse namin.

Wooh! Late na naman ako. Lage naman ee. Nalelate ako dahil sa allowance ko. Di kase ako agad binibigyan ni Mommy e. Kailangan pang pilitin kaya nalelate ako.

****

Stalker ni N.E.R.DWhere stories live. Discover now