SNN Chapter 9

4.8K 279 15
                                    

Sheirra

Nagkahimala ata kase mas nauna pa ako kay Mrs. Gibagiba.

Salamat naman at di ako  nalate. Makakapag pahinga yung tenga ko sa mga achuchu blabla ni Mrs. Gibagiba.

Haaaay!

Inaantok ako. Makatulog nga muna.

Matutulog na sana ako ng biglang dumating si Mrs. Gibagiba. At di siya nag-iisa. May kasama siya.

"Okay. May bago na naman kayong kaklase. Mr. Trystan Smith pumasok ka at magpakilala."

Nakangiting sabi ni Mrs. Gibagiba.

Trystan? Wag mong sabihing--

" Hi! I'm Trystan Thunder Harrison Smith. Transferee. Nice to met you all."

Sabi na ee. Sinusundan ba ako ng Trystan nato?!

'Uwaah~ ang gwapo niya. Kaano-ano niya kaya si Kleint noh?'

'Baka pinsan? Ang gwapo niya. Sheet paki ayos nga ng bra ko. Natanggal yung strap.'

"Trystan may tanong ako." Kaklase kong babae. Claire ata yung pangalan niya? Ewan. Di ko saulo pangalan ng mga kaklase ko.

Tumingin siya sa kaklase ko.

"Yes?"

"Kaano-ano mo si Kleint Cyfer Harrison?"

Tanong ng kaklase kong si Claire ata.

Ngumiti muna si Trystan bago sumagot.

Amputs! Bat ang gwapo niyang ngumiti? Nakakatanggal nga ng strap ng bra. Joke lang hehehe.

"Yes. He's my cousin. Any questions?" Tanong niya.

Tumayo yung isa ko pang kaklaseng babae. Jurlyn ang pangalan niya. Sure na ako dun. Jurlyn talaga ang pangalan niya. Eh pano ko nalaman? Sa I.D niya malamang. Nasa likod ko lang siya nakaupo e.

"Yes Miss?"

"Bat ang gwapo mo?" Kinikilig na tanong niya.

Talandi ng kaklase ko oh! Kala mo maganda! Mas maganda pa ako dun e. Mahaba lang naman buhok niya.

"HAHAHA di ko alam kung bat gwapo ako. Sabi ng Mommy ko nasa lahi na daw namin ang pagiging gwapo at maganda."

At nag wink pa talaga ang loko? Kala mo bagay. Bagay naman talaga.

"Any questions?" He ask.

"Wala na ata. Sige na Mr. Smith umupo kana. Ikaw na bahala kung san mo gustong umupo."

Pacute na sabi ni Mrs. Gibagiba kay Trystan.

Lumingon-lingon si Trystan na para bang may hinahanap.

Nagulat nalang ako ng tumingin siya sakin at ngumiti.

Lagot na. Baka pisilin na naman niya ulit yung pisnge ko.

AYOKOOO~ baka madumi kamay niya at ma infection ang maganda kung mukha! Sayang ang ganda ko pa naman.

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

Ngayon ko lang naalala. Wala pa pala yung katabi ko? Si ano- si Kleint. Yung gwapong suplado?

Wala pa ata siya? Bat nauna to sa kanya?

"Hi there Sheirra! I told you. Magkikita ulit tayo, diba? Ang cute mo talaga!"

Ouchhh! Kinurot  niya na naman ang pisnge ko.

"A-aray! Bithiwhan mho ngha pithnge koh! Mathakit!"

Pinalo ko yung kamay niyang malambot. Ang lambot ng kamay niya. Mas malambot pa ata sa pisnge ko.

"Hahaha Sorry. Na cucute-an lang talaga ako sayo. Ang ganda mo pag namumula ka. Dito nalang ako uupo sa tabi mo. Okay?" Nakangiti niyang sabi.

"Matagal na sabi akong cute e! Atsaka may nakaupo na sa tabi ko kaya maghanap ka ng ibang mauupuan."

Inirapan ko siya at hinimas yung pisnge ko.

Kinuha ko yung phone ko at ginawang salamin.

Naman e! Ang pula ng pisnge ko. Parang kamatis :3

"May nakaupo na dito? Sino? Siya nalang palipatin mo. Basta dito ako uupo sa tabi mo." Pinal na sabi niya.

"Si Klei--"

Naputol yung sasabihin kp ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko.

"Ako ang nakaupo sa tabi niya Trystan. Kaya lumipat ka nalang ng ibang mauupuan."

Seryosong sabi ni Kleint.

Woah! Bat late siya?

"Ikaw pala Kleint? Dito ka nakaupo? Sayang. Sige sa harapan nalang ako." Iiling iling na sabi niya at lumipat sa harapan. Sa tabi ni Joycee.

Napalingon ako sa tabi ko ng marinig ko siyang mag 'tsk'.

Nakasimangot siya. Problema neto? Ang aga-aga badtrip?

*****
Sorry sa mga typo. Panget ba? Hahaha sorna :3

Wag kalimutang magvote at mag comment. Good or Bad Comment. Wag lang yung nakakasakit :))

Stalker ni N.E.R.DWhere stories live. Discover now