SNN Chapter 12

4.7K 249 48
                                    

Sheng

Kanina ko pa nararamdaman na parang may sumusunod sakin. Ewan, baka paranoid lang ako. Hays. Mantakin niyo ba naman, pati sa mall may stalker ako? Wow lang. Panes ang beauty ni Pia Wurtzbach sakin hahahaha joke lang. Ipatapon niyo pa ako sa bermuda triangle eh.

Pero totoo, feel ko talagang may sumusunod sakin.

Pumasok ako sa loob ng Jollibee kahit katatapos ko lang naman mag lunch sa labas, sa may proven. Nagtitipid ako eh. Kaya sa may sidewalk vendor ako bumili ng makakain.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa loob ng Jollibee.

"Miss? Excuse me pero may nakaupo na diyan sa inuupuan mo. Pwedeng umalis ka? Hanap ka ng ibang mauupuan."

Halaka teh? Ang sungit niya. Kala mo naman maganda. Eh maganda naman talaga. Hays. Oo maganda siya. Tanggap ko namang may pumapangalawa sakin e.

"Sorry, di ko naman alam na binili mo na pala to eh! Makabili nga dinat ng may maipagdadamot ako."

"Hahahahaha patawa ka. Miss?"

"Misis na po ako. Misis Javier. De joke lang po. Miss Sheirra, pero Sheng nalang po. Maganda ka naman kaya you can call me by my nickname, pareho tayong maganda eh."

"HAHAHAHAHAHHAHA"

Tumawa na naman siya. Grabe siyang tumawa. Parang wala ng bukas. Pati yung mga taong kumakain sa loob ng jollibee napatingin sa kanya.

"Ate? Gutom kana po? Upo na po kayo. Nalipasan na ata kayo. Sige po, alis na po ako. Kain kana po. Bye!"

Papalabas na ako sa Jollibee ng may makabungguan ako.

"Nay ko poooo."

Handa na sana akong lumangoy sa sahig ng may sumalo sakin..

"Ooops! Ingat Micky Mouse. Baka may makakitang iba sa Micky Mouse mo."

Napadilat ako bigla ng marinig ko yung boses na yun.

"Trystan? T-teka! Bitawan moko! Manyak ka talaga! Chee!"

Umayos ako ng tayo. Inilibot ko yung tingin ko.

Halaka po. Nakatingin silang lahat samin. Tapos may nakapila pa sa labas ng Jollibee.

"Ahhm.. Excuse me? Pwedeng dumaan? Gutom na kami at naka harang kayo sa daraanan."

Mataray na sabi nung babaeng naka high waist short at naka sleeveless.

'Hipon' bulong ko.

Tumawa naman yung katabi ko na walang iba kundi ang panget na pinsan ni Kleint.

Haays.

Sinusundan ata ako ng panget nato.

"Oy di kita sinusundan." Bulong niya sakin.

"Huh?"

"Sabi ko. Di kita sinusundan-"

"Excuse me lang. Kanina pa kami dito. Wala ba kayong planong umalis diyan?"

Nakataas kilay na sabi ni Hipon.

"Hahaha. Sorry po. Halika ka dito MM."

Hinila niya ulit ako papasok sa loob.

"MM? Sheirra pangalan ko. Kelan pa naging MM ha? At teka lang. Bat moko hinila pabalik? Papalabas na nga ako."

Hinila niya niya lang ako. Di siya nakinig sakin.

"Ate!" Sigaw niya.

Tinignan ko yung tinawag niya na Ate.

"Tryst! Bat ang tagal mo sa CR? Kanina pa ako gutom, kala ko nakain kana dun. Tsaka san si Kleint?- Oy! Hi Sheng! Boyfriend mo si Tryst?"

"Hindi po! Ang ganda ko naman sobra para maging boyfriend tong panget nato. Hmp!"

Bigla nalang umakbay sakin si Trystan.

"Pakialis nga ng kamay mo--"

"Soon Ate. Soon. Hahahaha"

Bastos talaga tong panget nato. Di pa nga ako tapos magsalita. Hays.

Nagulat ako ng biglang may humila sakin at dahilan kung bakit naalis yung pagkakaakbay sakin ni Trystan.

***

Enjoy Reading. Please leave a comment and votes :)

Stalker ni N.E.R.DWhere stories live. Discover now