SNN Chapter 14

2.6K 106 15
                                    

NILINGON ko yung nanghila sakin. Sarap talagang manapak ngayon, nakakahilo sila ah.

"Nukaba naman Kleint! Kanina kapa hila ng hila ah! Hilahin  ko bulbol mo eh."

Napaka talaga ng Kleint nato.

"Why are you here? Bat kasama mo si Trystan?"

Nakanot noong tanong niya sakin.

"Bakit? Bawal naba ako dito sa Jollibee? Tsaka dito ko lang nakita si Trystan. Ayy sheyt bitiwan mo'ko. Uuwi na ako. May  emergency sa bahay."

Binawi ko braso ko sa pagkahawak niya. Inayos ko yung damit ko at sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ko. Naman eh, ayaw  kong maging panget sa paningin ng gwapong to. Ay naman, bat ba ako nagpapaganda sa panget nato? Mali gwapo eh hindi panget. Ayy ewan panget na gwapo. Meron bang ganun? Basta basta basta! Yun na yun, panget na gwapo!

"Emergency?"

"Uulitin ko paba? Oo! Kaya bumalik kana dun. Uuwi na ako." Sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Wait! Hatid na kita."

"Wag na. Kaya ko namang umuwi. Balik kana dun. Shoo!"

"No. I insist. Hahatid kita." Hinawakan niya siko ko tsaka hinila ako palabas.

"Ang kulit din ng bulbul mo no? Kaya ko ngang umuwing mag-isa! Isang I insist I insist pa. Sasapakin na kita."

Ang kulit ng lalaking to. Jusq. Pinapadali pa naman ako ni Mommy. Leche sasapakin ko na talaga to.

"I insis-- aww!"

Ayown. Sinapak ko lang naman siya. Bait ko no? Hehe

"Oh ano? Gusto mo pang masapak? Sige lang. Mangulit kapa. Nguso muna sasapakin ko!"

"Tsk. Oo na. Pero pumayag kanang ihatid kita sa labas lang. Kahit sa labas lang. Baka kasi makidnap ka. Delikado na. Pakakasalan pa kita.."

"Huh? Paka- ano ulit yun?" Tanong ko sa kanya. Diko narinig yung huli niyang sinabi eh.

"Wala. Sige na. Hatid na kita sa labas lang." Di nakatinging sabi niya sakin.

"K."

Naghintay kami ng taxi sa labas ng mall. Tagal tagal ng taxi, ang init init pa naman. Yung payong ko kasi naiwan ko sa locker. Argh! Iitim na ako neto. Papanget na ako. Hindi pwedeng mangyari yun! Hind---

"Sakay na." Kleint.

"Huh?"

"Ayan na yung taxi. Sakay na."

"Ha? Ah okay. Ge bye. Thanks"

Pumasok na ako sa taxi at sinirado ang pinto. Muntanga ako kanina ah. Okay lang, maganda naman ako eh.

Te-text  ko sana si Mommy na malapit na ako sa bahay ng bigla siyang tumawag.

"Mom? Papunta na ak--"

"Sasabihin ko lang sana sayo na wala palang emergency, yung Daddy mo kasi kala ko buntis. Nagsusuka at nahihilo daw kasi siya kaya ayun pinatingin ko sa Obgyne, sabi ni doc di daw nabunbuntis ang mga lalaki hehehe"

"Mom?! Anong buntis?! Tanga mo Ma ha. Di nga kasi nabubuntis ang lalaki. San ilalabas ang baby? Sa pwet? Nako naman Ma. Malala na kayo. Pa check up kana po kaya? Samahan kita." Tumatawang sabi ko kay Mama.

"Kung maka tanga lang nak ha? Nanay mo ako. Wala kang allowance for one year."

"MA!!"

"Joke lang nak. One week lang."

"Ma naman. Tinitipid moko? Naghihirap naba tayo? Di mo ba ako anak? Ampon ba ako?!"

Hindi pwede! Huhuhu magugutum mga alaga kong bulate!

"OA mo nak. Osige three days."

"Ma please? Ang ganda mo kaya, ang sexy mo pa tapos napaka talino mo pa. Ayieee the best Mommy eveeeeer!" Bola ko kay mommy. Hindi pwedeng mawalan ako ng allowance. Hindi madali ang buhay! Umoo na nga di Daddy na araw-araw akong bigulyan ng allowance eh! Yung nanay ko talaga napaka kuripot.

"Two days. Wala ng tawad. Bye."

Binabaan ako. Aish! Parang ayoko ng umuwi sa bahay T_______T

--
Sorry napatagal. Sorry talaga. Short lang to. Happy reading 😊 PS. Beware of grammatical errors. Thanks! 💕

Stalker ni N.E.R.DWhere stories live. Discover now