SNN Chapter 11

4.9K 278 28
                                    

Hi! Sorry po kung ngayon lang nakapag update. Busy lang po talaga. Eto na po, hope you like it. :))
- Sachii

Klient

Muntikan na yun ah. Aishh! Yung pinsan ko talagang yun napakamadaldal tsk.

Buti naisipan kong dumaan sa locker room. Para kasing may humihila sakin papunta sa locker room kanina.

"Kleint! Kilala mo si KCH? Kilala siya ni Trystan e baka kilala mo?" She asked habang hinihila ang laylayanng damit ko.

"Tsk. Paano kung kilala ko nga siya? And please stop grabbing my shirt!"

Binitawan niya yung damit ko pero di parin siya tumigil sa padtatanong.

"Sino nga kase siya? Pinsan mo? Kapatid mo? O baka ikaw si KCH? Dali sagutin mo ako!"

Namutla ako ng pagsabi niya nabaka ako yung si KCH. Eh ako naman talaga yun.

"Ha! Di ko kilala yun. Tsk. Andami mong tanong. Diyan kan. Uwi na ako, uwi kana rin." Pinitik ko noo niya.

"Naman eh! Bat ka namimitik? Alam ko namang may pagka airport tong forehead ko, kaya wag mong pitikin baka lumapad lalo." She pouted habang hinimas yung noo niya.

Tumawa ako ng mahina.

"Umuwi kana. Tara." Inakbayan ko siya.

Alam ko. Kelangan ng kumilos eh. Di pwedeng puro pasekreto lang ako. Ayoko na ng pasekreto. Magpaparamdam na ako.

"Halaka! Alisin mo nga yang kamay mo! Ang bigat kaya." Sabi niya habang pilit na inaalis yung kamay ko.

Tinawanan ko lang siya. Inakbayan ko pa siya lalo at hinila palabas ng locker room.

"Eee! Kleint naman eh! Ang bigat nga kase ng kamay mo. Alisin mo, tsaka nasasakal ako oh!"

Binitawan ko siya. Ayaw kong masaktan siya e.

"Ge na, uuwi na ako. Bye!"

"Hatid na kita." Sabi ko sa kanya.

"May sundo ako e. Kaya wag na."

"Sa labas lang namanng gate. Tara na."

Nauna na akong naglakad palabas. Nakasunod siya sa likod ko.

"Sino nga kase si KCH. Ang dami ng teddy bear sa bahay. Sana naman kase puro pagkain nalang nilalagayniya sa locker ko edi masaya pa sana. Hayst."

Pagkain.

Panay pagkain lang talaga nasa isip niya. Tss. Napailing nalang ako.

"Next time." bulong ko.

"Eh? Next time? Anong next time?"

Nagulat nalang ako, nasa likod ko na pala siya.

"Next time ko na sasabihin sayo kung sino si KCH." Sabi ko nalang

Nakarating na kami sa gate at hinatid ko siya hanggang sa sasakyan nila.

"Sumakay kana. Ingat ka." Pinitik ko ulit noo niya.

"Aray! Sabing wag pitikin noo ko ee! Sige bye! Uwi na ako."

Padabog siyang pumasok sa kotse nila. Di ako umalis hanggang di nawawala sa paningin ko yung kotse nila.

Paalis na sana ako ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Ikaw yun diba."

Nilingon ko siya.

"Oo." Malamig kong sabi.

Ngumisi siya.

"Kleint. Di mo parin ba siya nakakalimutan? Ikaw kinalimutan kana."

"Pake mo? Stay away from her."

She taps my shoulder.

"Stay away from her? No. I won't. Ge. Bye Insan."

Tinalikuran niya ako. Sumakay siya sa kotse niya.

Gagawin niya talaga ang lahat. Di ako papayag.

××

"MOMMY! DADDY! ATE! I'M HOME!"

Nagsisigaw ako papasok ng bahay. Parang bata lang e noh? Hahaha sanay na sila.

Ako ang baby dito e.

"Sheng! Wag ka ngang tumakbo tsaka hinaan mo boses mo! Isip bata ka talaga. Hay nako! Nasa kitchen si Mommy, puntahan mo dun." Sabi ni ate.

"Okaay. Si Daddy Ate?"

"Nasa office pa. Teddy bear na naman? Kanino ba talaga galing yan?"

Kinuha ni ate yung teddy ko.

"KCH daw. Ewan di ko kilala. Akin na yan ate, magbibihis pa ako."

Kinuha ko yung teddy bear at tumakbo papuntang kusina.

***

Stalker ni N.E.R.DWhere stories live. Discover now